Traydor Ako
"Crush mo?"
"Oo."
"Crush ka ba?"
"Kiaraaaaaaa! Ang sama sama mo! Kailangan ipamukha ha?"
"Hindi naman Shen, nagtatanong lang HAHAHA."
"Hmmp balakajan."
Inopen ko ang phone ko at inopen ang rp account ko.
Una kong hinanap ang convo namin ni Aian.
Magkaibigan kami pero crush ko siya.
At hindi niya yon alam.
Secret muna, baka iwasan niya ako.
Nang makitang online ito pero walang chat, chinat ko na.
Wala nakong pakeealam kung magmukha nakong tanga.
'Hi Aian!' Chat ko dito.
Medjo matagal pa bago yung reply niya.
He's that cold to me.
Pero pumayag siyang makipagkaibigan sakin eh.
Kaya paningdigan niya toh.
'Hello.'
Nagtatype palang ako nang mairereply sakanya ng typing nanaman ito.
Kaya itinigil ko muna yung akin.
'Ahm, can I ask you a question?'
'Ah oo, ano ba yon?'
'Do you like me?'
"Ah!!! Kiaraaaaaaa!!! Alam na ata ni Aian!!! HUHU LAGOT!"
"Tss. Ingay mo gurl. Pakihanaan pls? Kausap ko si Xeiji."
"Edi waw! Sana ol may jowa tse!"
Dahil ayaw akong pakinggan ni Kiara, linakasan ko na lang yung loob ko para sagutin yung tanong ni Aian.
'Ah hinde. Bat mo naman naisip yan?'
'Then what's the meaning of this woman?'
Nagulat ako nang sinend niya sakin yung pictures sakin ng mga gamit ko na punong puno ng pangalan niya.
May pangalan rin ako na nakasulat kaya hindi mo mapagkakailang ako talaga ang may ari niyan.
'Ah hehe.'
'Now what? Do you like me?'
'Di ba obvious Aian? Gusto kita, okay? Sorry dahil nagtraydor ako. Dapat hanggang kaibigan lang turing ko sayo pero di ko mapigilan. Ngayong nalaman mo na, pwede mo na akong iwasan.:>'
'Who told you na iiwasan kita? I like you too. Palalaguin natin tong like na toh. Gagawin nating love, okay?Meet up tayo sa Wednesday. Liligawan kita. Sa realworld agad. Hindi ka lang pang hanggang rs Shen, tandaan mo yan.'
"Wahhhh!!! Kia--"
"Tama na gurl. Alam ko nang lahat niyan. Ako ang nagsend sakanya ng pictures tapos ako rin ang nagsabi na gusto mo siya. Maghanda ka na at magmeet na kayo. Suport gurl. Sana ol."
"Duh may jowa ka naman!"
"May jowa nga ako! Pero sa fakeworld lang naman! Eh ikaw? realworld agad. Sana ol!"
YOU ARE READING
𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎
Random𝘐𝘵'𝘴 𝘢 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘪𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘥𝘪𝘧𝘧𝘦𝘳𝘦𝘯𝘵 𝘨𝘦𝘯𝘳𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘴𝘶𝘳𝘦𝘭𝘺 𝘭𝘪𝘬𝘦.