World is too cruel to me
"Sinnn! Thank you so much!" napaigtad ako ng bigla akong yakapin ni Ashpen.
Hindi ko mapigilang mapangiti ng halikan niya ako sa pisngi.
Muli ay mga nanghuhusgang tingin ng mga nasa paligid na tao saamin.
She's Ashpen a girl while my name is Sin a lesbian.
Pareho kaming babae na isinilang ngunit mukhang nagkamali saakin dahil babae rin ang hanap ko.
Sa tuwing magkahawak ang kamay namin, kapag magkayakap kami at naghahalikan-- mga nanghuhusgang tingin ang agad na makikita mo.
"Finally! Kasali ako sa top ngayong graduation natin!" masayang sabi niya at para bang may kumikislap pa sakaniyang mga mata.
"Maraming salamat talaga sayo, without you hindi ako makakapasok sa top," seryoso ang tinig na sabi niya na ngayon. Ako ang dahilan kung bakit siya nakapasok sa top, ako ang tumutulong sakaniya sa quizzes, kapag may project at activity.
"Para sayo, kahit ano," nakangiti ring tugon dahilan para yakapin niya ako ulit.
Isa yun sa pinakamasayang araw namin at hindi ko akalaing hindi na pala yun mauulit.
Saktong araw ng graduation namin-- magtatapos na kami bilang Grade 10 at magsesenior high na.
Nakasuot kami ng mga uniform lang namin, akmang lalapitan ko na sana siya ng makita kong may lumapit sakaniyang lalaki at hinagkan siya.
May parte saakin na nasaktan ngunit inisantabi ko muna ang mga iniisip ko dahil baka kaibigan lang ni Ashpen ang lalaking iyon.
Tinuloy ko na ang paglapit sakanila hanggang sa tuluyan akong makalapit dahilan para mapaharap saakin si Ashpen at ang lalaking iyon.
Rumehistro ang pagkagulat sa mukha ng dalawa ngunit kalauna'y naging seryoso na ang mukha.
Yayakapin ko na sana si Ashpen ng biglang humarang yung lalaki sa harap niya dahilan para tuluyang may mabuong konklusyon saakin.
"K-kaibigan mo ba siya Ash?" gumaralgal na ang tinig na tanong ko sakaniya.
Nananatiling seryoso ang mukha ni Ashpen bago ako sagutin.
"Boyfriend ko siya," mabilisan na sagot ni Ash dahilan para tuluyang gumuho ang mundo ko.
"Dib-ba ako ang m-mahal mo? B-bakit Ash? An-nong nangyari?" gumagaralgal na ang tinig ko at nagsimulang bumuhos ang mga luha saaking mata.
"Hindi kita tunay na minahal, ginamit lang kita para mapasali ako sa top, and look kasali nga ako, so thank you," nakangising sabi na ni Ash saakin.
"Y-you're just l-lying!" napasigaw na ako dahilan para pagtinginan kami ng mga tao na nasa paligid.
"Hindi ako nagsisinungaling," mahinahong sabi niya at kinuha ang kamay ng kasama niyang lalaki kaya ngayon ay magka holding hands na sila. Mas bumuhos pa ang luha ko, that should be me, ako dapat ang kahawak ang kamay niya ngayon.
Hindi ko na kinaya pa ang sakit na nadarama ko kaya patakbo na akong lumayo at tumungo sa gate.
My name is Sin at kasalanan ba ang pagiging tomboy? Hindi ba kami karapat-dapat mahalin? Dapat bang puro pananakit lang ang matatamo natin?
Ganito ba kami bilang parte ng LGBTQ? Hindi pantay na pagtingin ang natatamo?
Bulag ang lipunan para saamin, hindi bukas ang kanilang tenga para dinggin ang aming dinaraing.
Kami ay tinuturing na salot sa lipunan, basura at hindi kailangan ngunit mas masahol pa ang kanilang ugali kaysa saamin.
Ganito na lang ba lagi?
Huling tanong ko saaking sarili dahil ng patawid na ako sa kalsada ay rumaragasang sasakyan ang bumunggo saakin at huli na para makaiwas ako.
Namalayan ko na lang na tumilapon na ang katawan ko at dumanak ang dugo ngunit nanatiling may ulirat pa ako.
Napangiti ako ng mapait, mukhang ito na ang huling araw ko, napakasaklap ng pangyayaring ito sa buhay ko, nasaktan ang puso ko maging ang katawan ko.
World is too cruel to me, hindi man lang ako binigyan ng happy ending.
"Sa-ana kung mab-bubuhay pa ulit ako sa ik-kalawang pagk-kakataon, mag-ging masaya na sa-ana ako," nahihirapang sambit ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim at lagutan ng hininga.
YOU ARE READING
𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎
Random𝘐𝘵'𝘴 𝘢 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘪𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘥𝘪𝘧𝘧𝘦𝘳𝘦𝘯𝘵 𝘨𝘦𝘯𝘳𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘴𝘶𝘳𝘦𝘭𝘺 𝘭𝘪𝘬𝘦.