LITTLE LOVE
I have a brother named James. He's a good catch when it comes to physical appearance. He's a gentleman that may girls wanted to. He is a very mysterious guy for the others but for me? He's the best.
Simula ng mawala ang mga magulang namin dahil sa massacre ay siya na ang nagpaaral at umaruga sa'kin. Lahat ng gusto 'ko ay binibigay niya, wala kaming problema sa pera at hindi 'ko alam ang trabaho niya bastaay business si kuya.
Nasa grade 12 na 'ko at kasalukuyang naghahanap ng school for college. Nasa daan ako ng may humintong van sa harap 'ko at may lumabas na mga lalaki.
"Ikaw ba si Thalia Young?" napatango naman ako sa gulat at bigla na lang nila 'kong hinila papasok sa loob ng van at may pinaayos sa'kin hanggang sa nawalan ako ng malay.
Pag gising 'ko ay nasa isang warehouse ako at nakatali ang mga kamay ko.
"Sino kayo?" sigaw 'ko sa mga lalaking masa harap 'ko.
"Hindi ba kami naipakilala ng kuya mo?" tanong ng lalaking malaki ang tiyan.
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Paano mo nakilala ang kuya 'ko?" tumawa naman siya na parang wala ng bukas.
"Mukha ngang wala 'kang alam bata." tumawa na naman ito.
"Ano 'bang pinag sasabi niyo?! Wala kayong mapapala!" sigaw 'ko sa lalaki at sinampal naman niya 'ko.
"Ang kuya mo ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang niyo!" natigilan naman ako sa sinabi niya.
Anong pinagsasabi nito? Mabait ang kuya 'ko!
"Hindi mo alam ang business ng kuya mo? Well, siya lang naman ang humahawak sa malalaking drugs dito sa bansa. Kawawa ka naman, wala kang alam. Dahil sa sobrang dami ng kaaway sa negosyo ng kapatid mo, including us pinatay namin ang magulang niyo para makaganti." napatiim bagang ako sa sinabi niya.
"Hindi totoo 'yan!"
"Totoo 'yun." salita na nakapag patigil sa'kin at pag tingin 'ko ay si kuya.
"Totoo lahat 'yun, Thalia." ulit niya pa sa sinasabi niya.
Nagkagulo sa loob at huli na ng makita ko na naubos na ang mga kalaban ni kuya.
"Kuya, sumuko ka na!" sabi 'ko habang pinapakawalan niya 'ko.
"Hindi pwede, Thalia! Ito ang ikinabubuhay 'ko!" sigaw niya sa'kin.
Kahit masakit para sa'kin kailangan ko tong gawin. Nakakita ako ng kutsilyo sa lapag at kinuha 'ko ito at itinapat sa harap ni kuya.
"Kuya! Sumuko ka na sabi!" inis 'kong sigaw.
"Alam kong hindi mo 'ko kayang patayin, Thalia! Halika na at uuwi na tayo," angil niya at naglakad palapit sa'kin kaya naisaksak ko sa kan'ya ang hawak 'kong kutsilyo.
"Thalia..."
"S-sorry kuya, pero ayokong mabuhay sa maling paraan," umiiyak 'kong saad.
Bumagsak ang katawan niya sa harap 'ko kaya dali dali akong lumapit sa kan'ya at niyakap siya.
Patawarin mo ko, kuya. Pero alam ko.. kung buhay ang magulang natin hindi niya hahayaang mamuhay tayo sa ganto. I'm sorry.
___
YOU ARE READING
𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎
Random𝘐𝘵'𝘴 𝘢 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘪𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘥𝘪𝘧𝘧𝘦𝘳𝘦𝘯𝘵 𝘨𝘦𝘯𝘳𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘴𝘶𝘳𝘦𝘭𝘺 𝘭𝘪𝘬𝘦.