A GIRL WITH A DEADLY TEARS

2 0 0
                                    

A GIRL WITH A DEADLY TEARS

My name is Ashley. I'm not an ordinary girl like what other's thought. I have an extraordinary competency.

Once my tears began to fall, one life will die. Kung sino man ang dahilan ng aking pag-iyak, ay siya ang babawian ng buhay. Kaya minsan ay pinipigilan kong maiyak.

"Babe, huwag mo akong iwan ha? Hindi ko kayang mawala ka," sambit ko. He looked at me and smiled genuinely.

"Of course. I won't leave you babe. Bakit ko iiwanan ang taong nagpapasaya sa akin?" aniya. I chuckled. Nambola pa 'to.

"Salamat pala sa pagtanggap mo kung ano ako. Hindi mo 'ko iniwasan kahit na may kakaiba akong kakayahan," sambit ko.

"Because I love you even at your worst and I can accept what ever you are. Because you're my girl. You're my everything and you are my world." He said that made my pale cheeks turned into rosy cheeks

"Kaya ako napa-oo e' dahil d'yan sa mga flowery words mo." I said. We both laugh.

I leaned my head on his shoulder and looked up in the sky. It fulfilled of beautiful shining stars. What I've only say it is glamorous.

"Ang ganda ng langit. Ang daming bituin," sambit ko habang nakatingin pa rin sa kalangitan.

"Oo, ang ganda." Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumingin sa akin si Jeremiah. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"What?" Tanong ko. Humalakhak lang siya ng mahina sa akin at hinalikan ang labi ko.

"Nothing. We need to go home. Masiyado ng late. Baka bugbugin pa ako ni tita," sambit niya. Tumawa naman kaming dalawa.

Tumayo na ako at pumasok sa kotse niya. Sumunod naman siya at nang makapasok na siya ay doon na kami umalis pauwi sa bahay.

I went out on his car when we're already now at home.

"Ingat ka sa pagmamaneho. Magkita ulit tayo bukas," sambit ko. I smiled at him and I kissed his lips. I wave my one hand towards him at pumasok na sa bahay nang tuluyan na siyang makaalis.

--

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school dahil excited ako para makita si Jeremiah.

"Babe!" Sigaw ko ng makapasok na ako sa university. College na kami and same course ang kinuha namin. Parehas naman kami ng hilig kaya hindi kami nahirapan both side.

Sabay na kami pumasok, as always, at sabay na rin kami nakinig sa mga prof. namin. Sabay din kaming dalawa nag-lunch break.

"Ano gusto mo?" He asked me. I roamed my eyes to the food infront of us to find food that I like to eat right now. Para kasing buffet ang canteen namin. It's up to you what you like to eat.

"Kahit ano na lang. Basta masarap ha." Then I winked at him. Pero biglang may tumulak sa akin dahilan para matumba ako. Tumingin ako sa tumulak sa akin. Siya na naman.

"What the fuck are you doing! Tinulak mo girlfriend ko!" Sigaw ni Jeremiah kay Troy— the one who courted me but I'd chose Jeremiah over him.

"Wala akong pakialam sa girlfriend mo. Mga salot kayo rito." Nang sabihin iyon ni Troy ay agad naman siyang sinuntok ni Jeremiah. Agad akong tumayo para pigilan ito.

"Stop it!" Sigaw ko. Agad naman silang tumigil at napatingin sa akin si Jeremiah. He was shocked when he saw me. Agad naman niya akong niyakap at may ibinulong.

"Please babe, don't cry. Don't cry please..." He whispered on my ears. But, I can't stop my tears to fall down because of my strong emotion. At nang pumatak ang aking luha...

"H-Help m-me! I c-can't b-breath!" Troy yelled. He knelt to the ground at halata sa mukha niya na hirap siyang huminga.

Hinatak naman ako ni Jeremiah palabas ng canteen papunta sa garden.

"Kinabahan ako. Akala ko ako ang dahilan ng pag-iyak mo," sambit niya. He wiped my tears. Tumigil na rin ang pag-iyak ko hudyat na binawian na ng buhay si Troy.

"Am I murderer?" I asked to Jeremiah. He shook his head and he embraced his arms towards me. Everytime he do this, it makes my sadness lessen. Siya lang ang nagpapasaya sa akin.

"Umuwi na tayo?" aniya. I nodded. We stood up and we went to the guard house.

"Masama pakiramdam niya. Kailangan ko siyang iuwi sa bahay nila," sambit ni Jeremiah. Tumango 'yung guard bilang sagot na pumapayag siya. Binigay naman ni Jeremiah ang I.D. niya roon.

Lumabas na kami sa university at sumakay na sa kotse niya para umuwi sa bahay. Nang makarating na kami ay doon na ako bumaba.

"Papasok ka pa ulit?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo. Kailangan kong pagbutihin pag-aaral ko para sa future nating dalawa," tugon nito na nagpangiti sa akin.

"Puntahan kita kapag uwian na ha." He nodded.

Kumaway na lang ako sa kaniya hanggang sa hindi ko na siya makita sa mga mata ko. Pumasok na ako sa bahay at umakyat sa kwarto para matulog.

--

I woke up when I heard my alarm clock's ringing. It's already 5:50 pm. Kailangan ko ng pumunta roon para puntahan si Jeremiah.

I changed my clothes before I go. Nang makapagpalit na ako ay doon na ako lumabas ng bahay at naghintay ng masasakyan.

Nang may makarating na ay doon na ako sumakay at pumunta ng university. Ilang minuto lang ang byahe dahil malapit lang naman ito sa bahay namin.

Nang makarating na ako roon ay nilibot ko ang mata ko para hanapin si Jeremiah at hindi ako nabigo.

I was about to came beside him but I stopped when I saw Jeremiah's talking with other girl. He looks like happy.

Mas lalong nadurog ang puso ko ng makita kong nagyakap silang dalawa. Nararamdaman ko naman na bubuhos na ang mga luha ko kaya pinigilan ko ito.

Agad ulit ako sumakay sa tricycle pabalik sa bahay. Hindi ko kayang makitang masaya ang boyfriend ko ng dahil sa ibang babae.

Nang makarating na ako sa bahay ko ay agad akong pumasok at pumunta sa kwarto ko. Pinipigilan kong hindi maiyak dahil ayaw kong mawala ang boyfriend ko. Ayaw ko siyang mawala...

But I can't. Sobra akong nasaktan. I won't forgive myself. I won't...

'Sorry Jeremiah.'

And my tears sluggishly fell towards my eyes like a waterfalls.

Kinabukasan ay nalaman ko na lang sa mama ni Jeremiah na wala na siya. Labis akong nagalit sa sarili ko. Nang dahil sa pagseselos ko ay nawala ang taong mahal ko.

Napag-isipan kong pumunta sa burol ni Jeremiah. Nang makapunta ako doon ay agad akong niyakap ni Tita Wendy— mama ni Jeremiah.

"He left us Ashley. Iniwan niya na ako," umiiyak na sambit ni Tita Wendy. Niyakap ko siya ng sa gayon ay hindi niya maramdaman na nag-iisa siya.

Nang medyo tumigil na siya sa pag-iyak ay lumapit ako sa boyfriend kong nakahiga sa kabaong. Ang gwapo pa rin niya kahit nakapikit siya.

"I'm sorry babe..." sambit ko. Gusto kong maiyak pero hindi ko magawa dahil wala na ang taong iiyakan ko. Pero napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko. Siya, siya ang babaeng kayakap ni Jeremiah kahapon.

"Nakakalungkot 'no? Ang aga niya kinuha ng diyos sa buhay ko, sa buhay namin." Bigla naman nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Hindi niya ba alam na ako ang girlfriend ni Jeremiah?

"Galing akong America para sana sopresahin siya sa birthday niya ngayon pero ako ang nasopresa. Ang saya-saya niya pang kinukwento girlfriend niya kahapon." Agad akong napatingin sa kaniya.

"K-Kaano a-ano m-mo siya?" Tanong ko rito. I froze when she answered my question.

"Ate niya ako."

𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎Where stories live. Discover now