THE HELL IS WITH ME
"Do you need something from me?" I asked someone who have been hiding from my desk this few minutes.
Sa unang apak ko pa lang sa opisina ko, napansin ko na agad na may taong nakatago sa lamesa. Yon ang dahilan kung bakit hindi ako dumiretso roon.
An akward laugh filled the room. Lumabas ang taong nakatago roon. My co-police detective smiled at me, wearing an eyeglass. Tinaas niya ang isang papel at nahihiyang tumawa.
"D-detect-tive Sergeant wants to give you this.." sabi niya sabay lahad sa akin ng hawak niya.
Marahas ko itong kinuha at binasa.
Isang page ng News paper iyon. Naka print doon ang isang litrato ng madilim na basement. Hindi ko sana maintindihan, ngunit nang dumapo ang mga mata ko sa header nito, nakuha ko agad kung anong mayroon."Hell: Del real Company Building's basement" basa ko dito.
Sabi ng isang manunulat, ang basement na iyon ay tila sementeryo. Maraming nakikitang bangkay. Hindi matukoy kung ito ba ay serial killing, dahil iba-iba naman ang dahilan ng pagkamatay ng mga bangkay. Wala rin namang makikitang ebedensya o bakas ng taong pumapatay. May ibang tila namatay lamang sa isang di malamang aksidente. Walang tunay na salita ang maibuga ng mga tao rito, kahit na ang namamahala ng kompanyang iyon, kaya ay tinagurian na lamang nila itong lugar ni satanas.
Tumango ako dahil nakuha ang punto doon.
Narinig ko naman ang nakakairitang tawa ng kasama ko rito, kaya ay nilingon ko siya.
"What's funny?" I furrowed my eyebrow upon asking him.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.
"I-i-i j-just-"
I stopped him because it was irritating to my ears.
"Nevermind. What's this?" tinaas ko ang hawak at mukhang nakuha niya naman ang punto ko.
Tumawa naman siya. "T-the company's Manager asked a favor for the police station." lumunok siya, "And we're chosen to handle this project" pagpatuloy niya.
Nabilaukan ako sa sariling laway. I can't believe detective sergeant will give me a project like this! This is my first time and I'm handling a very intense one! Big time.
Kaya naman ay maaga akong nag set ng oras para pumunta sa nasabing basement. Kasama ang lalaking iyon, sempre. Si Police detective delmuro.
"Oh, Mr. Delmuro, bakit ang gulo mo?" natatawa kong tanong sa kaniya ng makita siya sa sumunod na araw. Ang araw na kung saan susugod na kami sa lugar na iyon.
"Bagong gising lang ako, kaya.." nahihirapan siyang huminga habang sinasagot ang tanong ko, kaya ay napatawa pa ako.
Bumaba ang tingin ko sa polo niya at nakitang tila nawala niya ang isang butones nito. Ang gulo gulo pa ng buhok.
Tumalikod ako at naglakad na.
"Mr. Delmuro, alam mo bang late ka na sa pinag usapan natin?" formal kong tanong sa kaniya.
Wala akong natanggap na sagot, at iyon ang naging dahilan bakit nilingon ko siya. Bumaba ulit ang tingon ko sa polo niya dahil makikita roon ang mabalahibo niyang dibdib.
Napansin niya ang tingin ko, kaya lumipat ang mga mata ko sa likod niya.
"Mr. Delmuro.."
"Y-yes?"
"Let's go" sabi ko at tinalikuran siya.
Sinadya kong gabi kami pupunta roon. Gusto kong maging intense ang debut ko as a detective.
YOU ARE READING
𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎
Random𝘐𝘵'𝘴 𝘢 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘪𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘥𝘪𝘧𝘧𝘦𝘳𝘦𝘯𝘵 𝘨𝘦𝘯𝘳𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘴𝘶𝘳𝘦𝘭𝘺 𝘭𝘪𝘬𝘦.