MULA NOON HANGGANG NGAYON

2 0 0
                                    

MULA NOON HANGGANG NGAYON

Sabi nila balang araw darating ang iyong tanging hinihiling

"Tangina mo talaga Jelly!" naiiyak kong sigaw sabay tapon ng bato sa tubig. Nandito ako sa bridge para ilabas lahat ng hinanakit na nararamdaman ko ngayon.

"Tangina" naiiyak kong sabi sabay luhod.

"Ganda mo naman para umiyak binibini" rinig kong sabi ng boses lalaki. Agad naman akong napaangat ng tingin sa kanya at tinitigan sya ng seryoso.

"Hi, Lucas nga pala" nakangiti nyang bati sa'kin.

At nung dumating ang aking panalangin ay hindi na maikukubli

"Halatang wala kang kain ha?" natatawa nyang tanong sakin sabay lagay ng alcohol sa sugat ko.

"Aray! ano ba" sigaw ko sabay patid sa paa nya pero tumawa lang sya at lumapit sa bandang tenga ko.

"Ganda mo" bulong nya sabay tayo at iniwan akong nakanganga.

Ang pag-asang nahanap ko sayong mga mata at ang takot kong sakali man ika'y mawawala

"J-elly.." mahinang sambit nya sabay yuko.
"Tangina, nababakla ako" rinig kong bulong nya.

"Hoy, anyare sayo?" nagtataka kong tanong sa kanya ng bigla syang lumayo sakin. Aakma na sana akong lalapit sa kanya ng bigla niya akong pigilan.

"Wag kang lalapit sakin, kundi hahalikan kita" ha?

"Tangina Jelly. Mahal na kita" sabi niya dahilan ng pagsilay ng ngiti ko.

At ngayon nanjan ka na 'di mapaliwanag ang nadarama

"Hoy ano ba'to? natatawa kong tanong sa kanya sabay kapit sa mga braso nya.

"Secret haha"

"Hoy baka mahulog ako ha, patay ka sakin"

"Hayaan mo na, sasaluhin naman kita" pota?

Handa ako sa walang hanggan
Di paasahin
Di ka sasaktan

"Ang ganda" nakangiti kong sambit titig sa mga bituin na nasa itaas. Parang noon lang Dream Date ko'to.

"Mas maganda ka" nakangiti nyang sabi sa'kin. Amp bolero.

"Oy. May shooting star magwish ka" sabi ko sabay pikit at hinawakan ang kamay nya. Nabigla ata sya, pero isinawalang bahala ko nalang.

"Sana balang araw mahanap na ni Lucas ang totoong magpapasaya sa kanya" hiling ko sabay dilat ng mata at ngumiti sa kanya. Ang sakit lang isipin na hindi ako ang tao na yun.

"Ano ang wish mo?" tanong ko sa kanya.

"Na sana matupad ang wish mo" ngiti nyang sabi sa'kin dahilan ng pag-iyak ko.

"Lucas, Mahal na kita"

Mula noon hanggang ngayon
Ikaw at ako

"Lucas, Do you take her as your beautiful wife for the rest of your life?" tanong ng pari sa kanya.

"Yes, I do father" nakangiti nyang sagot sabay tingin sa'kin. Nginitian ko naman sya habang pinipigilan ang sarili na umiyak.

"Do you take Lucas as your lovely husband forever?" tanong ng pari.

"Yes, I do father" hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak. Masaya ako.

Sa hirap at ginhawa ay iibigan ka
Mula noon....
Hanggang ngayon....

"Now, you may kiss the bride" sabi ng pari. Tumingin muna sya sakin na agad ko naman sinuklian ng ngiti, ngumiti din sya pabalik at agad siniil ng halik ang babaeng pinakasalan nya.

Parang noon lang hiniling ko lang na mahanap niya ang totoong babaeng magpapasaya sa kanya. Ngayon nahanap nya na.

Mula ngayon hanggang duloo...

"Jelly, paghanda ka na papakasalan kita,pangako yan" ngumiti ako bilang sang-ayon.

Ikaw at ako...

Ako yung pinangakuan pero iba ang pinakasalan.

𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎Where stories live. Discover now