TEENAGE PREGNANCY

5 0 0
                                    

TEENAGE PREGNANCY

Sa edad kong 16, nabuntis ako. Oo, alam kong tanga ko para magpabuntis ng maaga pero wala e, mahal ko kaya binigay ko lahat. Akala ko kasi pananagutan nya ko pero...

"Hindi pwede. Ipalaglag mo ang bata."

Gusto nyang ipalaglag ko yung bata.

"Ano? nababaliw ka na ba Clark? Anak natin to! Binuo natin to! Tayong dalawa mismo ang gumawa nito tas gusto mo ipalaglag ko? Gago ka ba?" sobra-sobra kong nanggagalaiti sa galit at the same time naiiyak din.

Hindi ko akalaing sasabihin nya yun matapos nang lahat ng nangyari.

Isa pa, hindi ko kayang ipalaglag ang bata dahil kahit na dugo pa lamang ito ay anak pa din namin ito at malaking kasalanan din iyon sa Diyos lalo na't alam ko sa sarili ko na kasalanan ko din naman. Masyado kong nagpadala sa nararamdaman ko hindi ko naisip na hahantong sa ganito na tatalikuran nya ko, na tatalikuran nya kami ng anak nya. Sobrang sakit isipin na sex lang ang habol nya sakin.

"I'm sorry Kim, alam ko naman yun eh pero nag-aaral pa ko. Ano nalang sasabihin sakin ng mga magulang ko? panigurado patitigilin na nila ko at itatakwil sa bahay. Hindi pa ko handa sa----"

*PAK*

Sinampal ko sya kasabay ang pagtulo ng luha ko "Satingin mo ba ikaw lang may mga magulang na magagalit?" I paused "Inaasahan din ako ng pamilya ko Clark pero sinuway ko sila dahil mahal kita." sobs "Pumasok ako sa ganitong sitwasyon dahil pinagkatiwalaan kita pero..." tumingala ako saglit para pigilan ang pagpatak lalo ng luha "Kung alam ko lang na mangyayari ito?" lumunok ako ng malaki "Sana hindi nalang kita minahal." tumulo uli ang luha ko "Wala kang kwentang lalaki. Wala kang kwentang ama."

Alam kong sobrang sakit ng mga binitawan kong salita sa kanya pero anong magagawa ko? yun mismo ang lumabas sa bunganga ko saka totoo naman diba? wala syang kwenta! Nagsisi tuloy ako nasa dinami-dami ng lalaki sa mundo, sya pa ang napinili ko.

Hindi marunong manindigan.

Ang tanga ko.

"Kim wait lang..." sabi nya pero tumalikod na ko.

Pinigilan kong humikbi.

"Tapos na tayo." sabi ko.

Hindi ko alam kung kakayanin kong mag-isa pero kung hindi nya kayang maging ama. Ako, kakayanin kong maging ina para sa anak namin.

_

"Jusko naman Kim! Isang taon nalang gagraduate ka na. Bakit naman nagpabuntis ka pa? At sa taong hindi ka pa talaga kayang panagutan ha?! Ang tanga mo! Hindi ka nag-iisip! Nag-aaral ka pero puso laging pinapairal mo! Sinayang mo lahat ng mga pangarap namin sayo! Lahat ng pangarap mo dahil lang sa lalaking yun!"

"I'm sorry ma." umiiyak ako.

Galit na galit sila sakin nung una pero sa bandang huli natanggap din nila ko pati ang magiging apo nila. Wala e, magulang ay magulang. Hindi tayo matitiis. Akala ko nga pagkatapos nun magiging ok na lahat pero hindi pa pala dahil kapalit nun ay ang panghuhusga naman sakin ng maraming tao.

"Sus! sinasabi ko na nga ba e, hindi sya makakatapos! Ang landi!"

"Oo nga, akala mo pag-aaral lang inaasikaso. Hindi pala! puro mga lalaki!"

"Sinabi mo pa! Nakakadiri."

"Diskrasyada."

Gusto ko silang sugudin at sagutin.
Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero naisip ko, para san pa? eh tama naman sila.

Diskrasyada na ko.

"HOY! WALA TALAGA KAYONG MAGAWA SA MGA BUHAY NYO NOH! KUNG MAKAPAGSALITA KAYO PARANG WALA KAYONG MGA BAHO AH! AKALA NYO ALAM NYO BUONG KWENTO! WALA KAYONG ALAM! TIGILAN NYO ANG ANAK KO!"

𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎Where stories live. Discover now