"Bat tagal niyang di na nag oonline?"
"Wala ng update sa kanya e"
"Ilang weeks na siyang di online?"
"mag o-oneweek na"
"Tagal na ah? dati naman nagsasabi siyang aalis siya ah? minsan 2 or 3 days nag uupdate siya"
"Nakakapagtaka nga e. Last update niya yung "I'm sorry , I'm tired and sleepy."
"Oo nga e wala pa naman nakakakilala nun"
"Nabasa mo ba mga post ng mga kaibigan niya?"
"Oo e. wala din silang balita"
Rinig kung usapan ng mga babaeng nakaupo sa kabilang table
"Shai rinig mo na yung nagsuiced na 17 yrs.old?"
"Di pa kelan daw?"
"Sapagkakaalam ko mag o-one week na e"
"Bat naman nagsuicide?" tanong ko
"Yun nga e di nila alam. sabi ng mga kaibigan niya lagi naman daw nakangiti yun palatawa tsaka maraming napasaya"
"Baka tinatago niya lang lahat sa kanila?"
"Baka ng--- "
"Alam mo? kahit ang lungkot ng mga nasa timeline niya namimiss ko parin siya kasi alam mo palabiro siya haha" rinig kong sabi ulit sa kabila
"Oo nga e, mapang-asar din haha i miss his jokes , yung mga corny na banat niya" sabi naman ng isa
Nagtaka ako kaya diko na natiis
"Excuse me?" sabi ko habang nakangiti
"Bakit po?" sabi naman nila
"Sorry ha? narinig ko kasi pinag usapan niyo. Pweding malaman anong name ng account ng pinag uusapan niyo?"
"Ahmm opo. Prince Hiro Kuriyama po" sabi ng isa
"Ahh ano ba siya?"
"Writer po , inaantay nga po naman na mag online e alam niyo po ba? subukan niyo pong basahin mga stories niya hihi"
"O-okay i will" sabi ko sabay ngiti
So it means Mula nung nagpaalam siya na magpapahinga di na siya nag open?
"hoy shai lalim ng iniisip mo ah?"
"Anong pangalan nung namatay? at address ?"
"Bakit? pupunta ka? Bukas libing nun e"
"Oo, Prince Jack Furimaya , teka binabasa ko pa sa comments yung address baka nailagay din"
Biglang bumilis tibok ng puso ko. Fck what's happening?
"Ito na , Sa Villa corito subdivision"
"N-nhai samahan moko please?"
"bat naiiyak ka?"
"Masama kutob ko nhai e"
"wag mo sabihing iniisip mong si prince hiro kuriyama siya? yung kaibigan nating writer?"
"n-nhai samahan moko"
"Oo na total kayo naman close nun tsaka diko alam ano kayo"
"Thankyou nhai"
Di na kami pumasok sa klase dumeretso kami sa villa corito sub. At nung nakarating na kami
"Uy Shai andaming tao"
"Wala akong pake tara na" sabi ko sabay hila kay nhai
"Hi? kaibigan din ba kayo ng anak ko?" tanong samin
YOU ARE READING
𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎
Random𝘐𝘵'𝘴 𝘢 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘪𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘥𝘪𝘧𝘧𝘦𝘳𝘦𝘯𝘵 𝘨𝘦𝘯𝘳𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘴𝘶𝘳𝘦𝘭𝘺 𝘭𝘪𝘬𝘦.