PAGTINGIN

4 0 0
                                    

PAGTINGIN

"dami pa gusto sabihin, ngunit wag na lang muna—" kanta ni Ash.

ang tagal narin ng ma kilala ko siya, at naging kaibigan, hindi ko rin matanggi sa sarili ko na gusto ko siya.

"wag mo ako sisihin—"

pero hindi pwede, kasi halata naman na gusto niya si Mae.

napangiti ako ng malungkot habang natanaw si Ash na nasa stage at na kanta.

"kahit walang mapala—"

mabilis ang pag tibok ng puso ko ng natitig sa akin si Ash habang na kanta. "pag nalahad ang damdamin—sana di magbago ang pag tingin—"

ngumiti siya at iba ang dating ng mga ngiti niya sakin. pilit ako na napangiti kahit ang totoo, masakit na kasi alam ko lahat ng ito, ang pag kanta niya para lahat sa babae na gusto niya. naalala ko pa ang sabi niya sakin kahapon.

"aamin na ko sa babae na gusto ko, kahit na hindi ako sigurado kung pareho kami ng nararamdaman, aamin na 'ko."

hindi rin ako tanga para hindi mahalata na si Mae ang ibig niya sabihin.

lagi sila mag kasama, at lagi sila nag uusap. kaibigan ko sila pareho, at dapat maging happy ako para sa kanila.

pero ang sakit pala, ang hirap mag panggap na okay ka kahit hindi naman.

ang hirap na maging happy kahit na kng pwede lang sana ikaw na lang ang mahal niya.

"aminin ang mga lihim—sana di magbago ang pagtingin—"

malakas ang sigaw ng mga tao sa ganda ng pag kanta ni Ash. hindi ko matanggi na magaling talaga siya sa pag kanta.

gwapo, matalino, lahat ng gusto ko sa isang lalaki. wala ka na talaga kailangan hanapin pa.

"bakit laging ganito—kailangan mag ilangan—"

nakita ko kung paano niya titigan si Mae na nasa harap.

"umibig lang kapag handa na, hindi na lang kung trip trip lang naman—"

natapos ang kanta at malakas na sigaw ng mga tao at nagtapos.

"ang kanta na ito, gusto ko talaga na marinig ito ng babae na gusto ko."

tili at sigaw ng mga tao ang nag iingay sa loob ng lugar kng nasaan kami ngayon.

pag aari nila Ash ang restaurant na ito, at lagi kami nandito kasama ang mga kaibigan namin.

"ngayon ko kasi gusto aminin ang nararamdaman ko. sa babae na gusto ko—alam ko na matagal na tayo na mag kaibigan. alam ko rin na hindi mo inaasahan ang aaminin ko—" natawa siya ng mahina. "matagal na kita gusto, matagal ko narin gusto aminin pero wala ako lakas ng loob. hindi ko alam kung paano, pero hindi ko narin kasi kaya itago ang naramdaman ko. hindi ko na kaya magtiis na titigan ka na lang, na kahit nag uusap lang tayo ang bilis ng tibok ng puso ko—gusto ko lagi makita ang ngiti mo, marinig ang tawa mo. kahit na minsa ang lungkot ko, makita lang kita nawawala lahat ng sakit at lungkot."

bawat salita, masakit para sakin. ang sakit marinig mula sa tao na gusto mo ang pag amin niya sa tao na gusto niya at alam ko na hindi ako.

"hindi ko alam kung paano, kung kailan—pero sht hulog na hulog na 'ko." nagulat ako ng napatitig sakin si Ash at nag iwas na lang ako ng tingin.

naiiyak ako, gusto ko ng aalis. mas mabuti ng siguro hindi ko makita o marinig ang pag amin niya sa babae na gusto niya kasi lalo lang naman ako masaktan.

aalis na sana ako kasi naiiyak na 'ko sa sakit ng sabihin ni Ash ang mga salita na kahit kailan hindi ko inaasahan na marinig mula sa tao na gusto ko.

"E-Elle—gusto kita."

tatlong salita na naging dahilan ng pagtulo ng mga luha ko.

tahimik ang mga tao na titig lang samin. "E-Elle—" nataranta na si Ash at agad na nalapitan ako. "sorry—"

"bakit ka ganyan?!" naiinis na sabii ko at agad na napatitig ang mga tao samin ng mahampas ko si Ash sa dibdib. "lagi ko na lang nasabi na sana ako na lang ang gusto mo, kasi gusto kita. lagi ako nasaktan kapag nakita kita kasama ang iba, malungkot ako kapag hindi kita nakita kahit saglit lang, lalo na kapag alam ko na hindi ka okay. araw araw ko na hiling na sana gusto mo rin ako—nagselos pa 'ko sa bestfriend ko kasi akala ko siya ang gusto mo."

nakita ko ang gulat sa mga mata ni ash at narinig ko naman ang tawa ni Mae sa mga nasabi ko.

"p-pero ikaw ang gusto ko—sht sorry—" nahila niya ako para malapit at agad na nahug ng mahigpit. "ikaw ang gusto ko, kailangan ko lang talaga ng tulong ni Mae kaya lagi kami mag kasama, hindi ko kasi alam ang gagawin ko, kung paano ako aamin. I'm sorry, h-hindi ko alam na nasaktan na pala kita—"

"gusto rin kita, Ash matagal na kita gusto pero akala ko si Mae ang gusto mo kaya nag iiwas na lang ako minsan. natakot lang ako na masira tayo kapag naamin ko na gusto kita." pag amin ko habang naiiyak parin.

na halikan niya 'ko sa noo. "tayo na kaya?" natatawa na sabi niya. "gusto mo rin naman pala ako—pwede tayo na agad?"

naiiling na napangiti ako at nahampas ng mahina ang braso niya. "ligawan mo muna ako."

"kahit naman tayo na araw araw parin kita liligawan." sabii niya habang natitig sakin at nahalikan ako sa labi.

𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎Where stories live. Discover now