MIDNIGHT TREASURE

3 0 0
                                    

"MIDNIGHT TREASURE."

"Gal! Puyat ka ng puyat! Ano bang napapala mo d'yan! hala sige, tanghali ka na naman nagising!" Isang malakas na sermon na naman mula kay Mama ang natanggap ko. Hindi ko ito pinansin at nag-simulang inumin ang kapeng tinimpla ko, hanggang ngayon hindi pa din maalis ang ngiti sa aking mga labi habang naalala ko ang nangyari kaninang madaling araw.

"Gal, nakikinig ka ba?!"

"Po?" Agad kong tanong ng sumigaw na ito ng malakas. Hindi ko napansing tumapon na pala ang kape sa sa aking damit dahil sa sobrang pagka-tulala habang si Mama ay galit na galit na. "Tulala ka na naman, anak ano bang problema mo?" Tanong nito na may bahid ng pag-aalala sa kaniyang boses.

"Wala po mama. 'Wag po kayong mag-alala at ayos lang ako!" Masiglang sabi ko dito. "Sigurado ka ba talaga anak?" Habol na tanong nito, "Opo, sure ako."

Alas-onse ng gabi.

"Ang tagal naman mag alas-dose." Mahinang bulong ko habang nakatitig sa orasan sa pader ng aking kwarto. Nakaupo lang ako sa aking kama habang hinihintay ang pagsapit ng hating-gabi. Hindi na ako makapaghintay, para akong batang madaling-madali.

Sinuklayan ko muna ang aking buhok at napangiti ng makitang mukha namang maayos ang itsura ko. Naka-suot ako ng Pajama, suot-suot ko din ang Jacket na ibinigay ni Isaac sa akin. I can't even stop myself from smiling sa tuwing sasagi sa isipan ko si Isaac.

Isaac is my boyfriend, 3 years na kami. Sa tuwing sasapit ang hating-gabi ay lumalabas ako upang makipag-date sa kaniya. Weird ba? Sa tingin kasi namin mas maganda kung madaling araw. Walang istorbo, walang ibang tao kung 'di kaming dalawa lang. Parang sa amin ang mundo.

Pag-sapit na pag-sapit ng alas-dose. Dahan-dahan akong naglakad pababa sa hagdanan ng aming bahay, baka kasi magising si mama. Mahirap na, kaya dapat doble ang pag-iingat.

Pagkalabas ko ng Gate ay bumungad na kaagad sa'kin si Isaac, agad akong tumakbo papalapit dito at tsaka ito niyakap ng mahigpit.

Isang araw, ilang oras, ilang minuto ko lang siyang hindi makasama nami-miss ko na agad siya.

"Mahal!" tawag ko sa kan'ya habang yakap yakap 'ko siya.

"Mahal, kumusta ka? Maayos ba araw mo?" tanong niya at mababakas ang lungkot? Hindi 'ko matukoy kung ano yun.

"Ayos naman! Tanong nga si mama ng tanong dahil parang wala daw ako sa sarili pero syempre hindi ko sasabihin na sa gabi tayo nagkikita at baka mapagalitan pa 'ko nun!" sagot 'ko.

Hinawakan niya ang kamay 'ko at hinila ako papunta sa favorite spot namin.. ang dagat, kung saan kami nagkakilala.

"Mahal? Gusto 'ko pag may bago kang nakilala, ipakilala mo 'ko sa kanya ha? Para aware ako na may bago ng nagmamay ari ng puso mo." napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw lang naman yung para sa'kin." sinabayan 'ko ng tawa dahil hindi ako natutuwa sa sinasabi niya.

"Mahal.. pakawalan mo na ko. Pakawalan mo na ang sarili mo," saad niya at nag umpisa ng tumulo ang luha 'ko.

"Isaac! Tumigil ka nga!" sigaw 'ko pero kita sa mata niya ang sakit.

Hinawakan niya ang magkabila 'kong pisnge at pinunasan ang luha ko.

"Mahal, tanggapin na natin. Tanggapin mo na. 39 days na 'kong wala. Magpagamot ka na para tuluyan mo na 'kong nakalimutan." humagulhol ako dahil sa sinabi niya.

Hindi! Hindi... ayoko. Ayoko siyang mawala!

"Hindi... anong patay ang sinasabi mo? Nagpapatawa ka na naman ba?" umiyak ako sa mga bisig niya dahil hindi ko na kaya. Hindi ko kaya na wala siya.

"Bukas na ang huling araw na makikita mo 'ko. Gusto 'kong magpagamot ka, iwan ang alaala nating dalawa at mamuhay ka ng masaya. Marami ka pang makikilala ma mas higit sa'kin. Yung... yung makakasama mo sa pagtanda at hindi ako 'yun," napakapit ako sa kanya sa sobrang panghihina.

Pumasok ang mga alaala na kahit kailan ay sobrang sariwa at hindi 'ko makalimutan.

It was December 24, 11:30PM. The day he said Goodbye. The day they took My love-- My Isaac away.

Masaya kaming nag-lalakad noon ni Isaac sa labas. Magka-hawak kamay at tila ba kami ang pinaka-masayang tao sa mundo. Paskong-pasko at nagpapasalamat kami dahil kami ang magka-sama.

Papauwi na sana kami noon, dumaan lang kami sa Mall para bumili ng regalo. Madaming tao, lahat sila'y naghahanda na din para sa pagsapit ng pasko mamayang alas-dose.

"Mahal, may nakalimutan ako." Napatingin ako dito ng sabihin niya 'yon, "Ha? Ano 'yon mahal?" Tanong ko dito. "Babalik ako sa loob ng Mall, dito ka lang ha? Mabilis lang ako." Dali-dali nitong hinalikan ang aking noo.

"Isaac, sandali-- Babalik ako! Mahal kita, Gal!" Sabay nagtatakbo na ito pabalik sa loob ng Mall. Napailing na lang ako habang nakangiti.

Maya-maya pa sa sobrang ngalay ay nagsibagsakan ang mga bitbit kong shopping bags.

"Ay!" Mahinang sigaw ko dahil sa gulat. Isa-isa kong pinulot ang mga nahulog na gamit, ngunit nagulat ako ng nasa gitna na ng kalsada ang box na may lamang relos na ireregalo ko sana kay Isaac. Dahil hindi pa naman red light, dali-dali akong pumunta sa gitna at kinuha ang box.

"MISS! TUMABI KA DYAN!" Hindi ko napansing nagsimula na palang magsi-andaran ang mga sasakyan. Sa sobrang takot ay tila hindi ako makagalaw, napatulala ako sa truck na bubunggo sa akin at napapikit na lamang.

"GAL!"

Sa isang iglap. Tuluyan ng inagaw ng kalawakaan ang mahal ko.

Nakaupo ako sa gilid ng kalsada, nakatulala ng magising ako sa katotohanang iniligtas ako ni Isaac. Saktong pagsapit ng pasko ang siyang paglisan ng mahal ko.

Saktong hating gabi ng namalayan kong 'wala na si Isaac sa piling ko.

𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎Where stories live. Discover now