UNMASKED

1 0 0
                                    

Unmasked

Habang ako'y nagbabasa sa wattpad ay nakaramdam ako ng biglang pagbigat ng na tila ba'y may nakadag-an. Hindi ko ito pinansin at pinapatuloy ang pagbabasa.

Ngunit nagulat ako ng biglang nalalag sa aking mukha ang aking Cellphone at hindi ko naman ito sinasadya. Tatayo sana ako dahil sa aking pagkainis ng biglang tumaas ang aking mga balahibo.

At nakarinig nalang ako ng isang malakas na kaluskos sa kabilang kwarto. Tatlong araw na 'yun ah.

Dahil sa inis ay pinuntahan ko ito. At nakita ko ang isang babaeng nakaputi at nakakaawa ang itsura. Nang makita ko s'ya ay para na rin akong naawa sa aking sarili dahil ito'y aking kakambal.

Ah Oo nga pala, ang kakambal ko ang dahilan ng aking pagkakilabot HAHA.

Nilapitan ko ito at kinausap, " Oh, ba't? Nakakasawa ba ang nakakulong dito? "

Hindi ito makasagot sa aking katanungan dahil sa hinang hina na ito sapagka't siya'y tatlong araw ng walang kain.

Oo alam ko ang sama ko, simple lang naman ang dahilan ko kung bakit ko 'yun ginagawa. Naiinis lang ako kasi palagi nalang s'ya ang napapansin ng lahat.

Lagi nalang ako 'yung mali, bobo at kung anu-ano pa. Kasalanan ko bang tamad ako mag-aral kaya mas mataas ang grado n'ya sa 'kin. Tss

At bakit pati mga lalaki s'ya ang gusto, parehas lang naman ang mukha namin, ngunit ba't s'ya lang ang pinipilahan. Kaya kung gagawin ko 'to para ako naman ang makita o mapansin ng lahat. Buti nalang nasa business trip ang aming mga magulang kaya maisasakatuparan ko ang aking mga plano.

-

Dahil gusto ko pang patagalin ang kanyang paghihirap. Pinakain ko ito ng nakaposas yung parang aso lang HAHA. At sa'ka ako pumasok sa paaralan.

" Oy? Nasan ang kakambal mo? " 'Yan agad ang salubong sa akin ng iba. Wala ba akong pangalan.

" 'Di naman nag-aabsent kakambal mo ah?"
" Kamusta ba ang kakambal mo? "
" May nangyari ba sa kakambal mo? "

'Yan at kung anu-ano pang mga katanungan ang aking mga narinig mula sa aming mga kaklase. Ang sakit sa tenga.

-

Dali dali akong umuwi dahil sa aking pagkainis sa nangyari. Puro nalang kakambal ko.

Pinuntahan ko ito sa kwarto at dali-daling ginayatan ang mukha, binalatan ng konti binunutan ng isang ngipin. Medyo nag tapyas din ako sa kanyang ilong para pumiklat ito. Ayan! At halos mapangiwi naman ito sa sakit ng aking ginawa.

Ayan, siguro naman ay hindi na tayo magkamukha. Mas maganda na ako sa'yo, patawad kung iyan ay aking ginawa. Masyado ka kasing mahal ng tao. Kaya dapat lang sigurong gawin ko ito.

-

Mga ilang araw ang lumipas at ako rin naman kahit papaano ang nag alaga sa aking kakambal. Sinubuan at pinakain ko ito kahit nakakadiri na 'yung itsura niya.

Medyo galing na s'ya at maaari na s'yang humarap sa tao. Masyado s'yang mabait kaya alam kong hindi ito magsusumbong kung sino ang may gawa no'n sa kan'ya.

-

Sinadya ko talagang sabay kaming pumasok para ipakita sa lahat kung ano ang itsura ng kanilang hinahangaan.

Pagdating sa Classroom ay kanya kanyang nagtipon ang mga ito at awang awa sa kanya. At isa sa nagpatindig sa balahibo ko ay may bumanggit ng " Ganyan na pala katindi ang inggit sa'yo ng 'yong kakambal. Nakita ko ang Video ng ginawa n'ya sa iyo. Ngunit hindi porke't kakambal mo s'ya ay hindi mo na 'yan ipapakulong. Kahit ganyan ang itsura mo mas maganda ka pa rin kaysa sa kan'ya. At tumingin ka sa labas andiyan pa rin ang mga lalaking pinagkakaguluhan ka. " Halos hindi ako makaalis sa aking kinatatayuan at kitang kita ko sa pagmumukha nila kung gaano katalim ang kanilang mga titig sa 'kin.

Paanong nangyari 'yun. Akala ko ba naisahan ko na s'ya ngunit bakit tila ako 'yung naisahan. Bakit ?

Nanlulumo akong umuwi sa bahay at kitang kita ko kung paanong tignan ako ng aking makakasalunong dahil kalat na ang Video ng ginawa ko sa aking kakambal.

" Grabi ang babaeng 'yan. Dahil sa inggit ay nagawang parusahan ang kakambal, "
" Bobo kasi kaya nalalamangan, "
" Hay naku! Ang bait ng kakambal n'ya ha at pumayag pala talaga s'yang gano'n ang gawin sa mukha n'ya. "..

Iyan lang naman ang mga naririnig ko habang ako'y naglalakad pauwi. Ang pag-usapan na para bang 'di ko sila naririnig.

-

Pag-uwi ko ay nando'n ang aking mga magulang at isang malaks na sampal ang sumalubong sa 'kin. At naka handa na raw ang aking mga gamit at umalis na raw ako sa aming tahanan. Kung ganoon ay talagang nakakalat na sa karamihan ang aking ginawa.

Pagpasok ko sa aking kwarto ay do'n ko napansin ang isang Video clip ng aking kakambal.

" Hi sister, una sa lahat kaya ayaw sa'yo ng tao kahit wala kang ginagawa, ako kasi meron. Simple lang sinisiraan kita sa kanila at 'yung mga lalaking 'yun sa'yo naman talaga sila lahat may gusto pero siniraan rin kita sa kanila, ngunit dahil pala sa mga ginawa kong iyon ay gagawin mo ito sa akin HAHA Oo nagtiis ako para mas lalong masiraan kita. Kaya ginawa ko itong Video na 'to para ipaalam sa'yo na kahit anong gawin mo 'di mo na malilinis ang pangalan mo. Oh kalma ka lang HAHA nga pala pagtapos mo mapanood 'to kusang madedelete na 'yung Video na 'to kaya babye! "

At ilang beses ko ngang binalak iplay ulit ang Video ngunit hindi na ito gumana. Gusto ko mang magpaliwanag oh ano pa man ang aking gawin ay wala na. Wala na sa 'kin ang lahat. Una palang pala nasa akin naman na ang lahat. Inagaw niya lang.

-

Ngunit dahil wala naman na akong magagawa ay napilitan na rin akong umalis. At ang pinakamasakit sa lahat, wala manlang akong matutuluyan. Walang nagbalak na ako'y tulungan. Dahil siguro sa galit na nga sa 'kin ang lahat. At lahat ng nakapaligid sa akin, tila ba'y gusto akong patayin sa tingin.

Dahil sa hirap ng aking naranasan, gusto ko ng kitilin ang sarili kong buhay. Kaya ito ako ngayon sa taas ng Building. Wala manlang pumapansin sa 'kin at 'di ako ninais na pigilan.

At dahil do'n ako'y nanlumo, ng ako'y paluhod na huli ko na naalalang wala na akong papatungan kaya naman salit na mapaluhod ako'y nahulog at 'di nakaramdam ng takot sa aking kamatayan...
____

𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎Where stories live. Discover now