𝙄'𝙡𝙡 𝙏𝙀𝘼𝘾𝙃 𝙔𝙊𝙐

14 0 0
                                    

I'LL TEACH YOU

Meron akong korean bestfriend. Well, he just know na bestfriend lang, pero para saakin? Higit pa 'roon.

CRUSH NA CRUSH KO S'YA!!!

Minsan nga napagkakamalan kaming mag-kasintahan pero ipinagsasawalangbahala niya 'iyon. Ako naman 'itong tahimik lang sa gilid, kinikilig!

Bukod kasi sa gwapo 'ito at mestiso. Napaka gentleman lalo na sa matatanda at bata, that's why I'm falling harder 'to him!

"Shun!" ani ko nang matanaw na kakapasok lang n'ya sa classroom.

"tignan mo ang landi!"

"ginayuma niya ata si papa shun!"

"she will regret this talaga!"

"Angel pa naman ang pangalan, demonyo naman ang pag-uugali"

Ganyan naman sila lagi eh. Pasok lang sa kanang tenga labas sa kaliwa, edi tapos.

"Yes? Did something happen?" 'ito talagang lalaking 'ito englishineng dollars.

"Nothing. Remember this day?" 'itinaas ko ang aking kilay at ngumiti na abot tenga habang tinititigan siya.

Umupo 'ito saaking tabi, well seatmate ko talaga s'ya. Taray diba!

"Oh no! I forgot, this is the day that I'm going to teach you how to speak korean fluently. Aish!" Kinagat pa nito ang daliri.

"Yes! Yes! Yes!" pumalakpak ako at lumapit sakanya

Gusto ko kasing matuto talaga mag-korean para kahit papaano naiintindihan ko 'yung mga pinagsasabi n'ya. Marunong naman 'itong mag-english pero siguro mas hindi s'ya mahihirapan kung alam ko magsalita ng korean.

"So what's the plan now?" tanong ko habang nananatili parin ang matamis na ngiti saaking labi.

"Stop smiling! Your just seducing me to kiss you..." pabulong nitong ani.

A-ano daw?
Stop smiling lang 'yung narining ko.

"What?" ikinunot ko ang noo ko.

"No. Nope- I mean nothing. L-later I'll teach you." giit nito tsaka inilabas ang kanyang libro at inabala ang sarili sa pagbabasa.

Anyare?

Mahigit apat na oras bago sumapit ang lunch namin kaya't excited na'ko.

"Angel, let's go to cafeteria I'll treat you..." nawala ang ngiti nito. " and I'll teach you too." ngumiti 'ito ulit.

Shet sapul na sapul ka.
Ampogiiiii! ng bebe- crush ko!

"Okaaay!!! Just wait." ani ko tsaka mabilis na inayos ang aking mga gamit.

"kyeoptaaa." bulaslas nito kaya't napatingin ako sa gawi niya.

"kyeopta?" tanong ko tsaka nagsimula ng maglakad.

"I-i mean f-faster." tsaka ako nito iniwan na naglalakad.

Ambilis naman n'yang maglakad.

"Shuuun, waiiiiit!" nakakainis pasalamat s'ya crush ko s'ya.

Nakarating kami sa cafeteria at wala namang masyadong tao bukod sa ibang estudyante na ka-level lang namin.

"ayan nanaman siya, nakabuntot kay shun!"

"bitchy talaga!"

"mapapasaakin din si shun!"

"Don't mind them." napa-angat ang tingin ko kay Shun at ngumiti.

𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎Where stories live. Discover now