Chapter 17

336 6 0
                                    

Chapter 17

Mabilis na lumipas ang araw. Tapos na agad ang sembreak. Halos dito na tumira si Donovan sa bahay namin.

Sa loob kami ng kuwarto ko kumakain ng breakfast para hindi siya makita ni Aling Delia. Ganoon ang routine namin araw-araw.

Inuwi na din niya ang kotse niya noong galing kaming Batangas para naman walang makahalata na may kasama ako dito sa bahay.

Ngayong araw ang dating ni Mama at Papa. Pinauwi ko na muna si Donovan dahil bukas pasukan na.

Matyaga akong naghihintay dito sa may couch ng padating nila. Ang gusto kasi ni Papa tuwing dadating sila ay nandito ako lang ako sa bahay kaya ganoon ang ginagawa ko.

Habang hinihintay ko sila nagpapatugtog lang ako ng music sa cellphone ko habang tinititigan ang ring finger ko.

"Ang ganda talaga" mahinang usal ko.

Hindi ako nagsasawang pagmasdan ang promise ring na ibinigay niya sa'kin. Panghahawakan ko 'to kahit anong mangyari. Hindi man direkta, parang sinabi na rin niyang ako ang babaeng makakatuluyan niya habang buhay. Sigurado na siya sa'kin.

Hindi naman niya ako bibigyan ng ganitong singsing kung hindi siya sigurado hindi ba?

Sa tagal kong nakatitig sa singsing, nagitla ako ng biglang may magdoorbell. Sina Mama at Papa na ba 'yon? Imposible! Ten o'clock daw ang lapag ng eroplanong sinasakyan nila. Alas nuebe pa lang.

Binuksan ko ang gate at hindi ko inaasahan na makita si Donovan. Gusot-gusot ang damit niya. Magulo ang rin ang kanyang buhok.  Agad niya akong niyakap.

"What happened?" nag-aalalang tanong ko habang niyayakap siya pabalik.

"Can I come in?" bakas sa boses niya ang pagod.

Ano bang nangyayari sa kanya? Kahapon lang nandito pa siya at masaya kami. May nangyari bang hindi maganda?

At tsaka papapasukin ko ba siya? Baka maabutan kami nina Mama at Papa dito si Donovan?

"A-Ano kasi.." hindi ako makakuha ng tamang salita para ipaliwanag sa kanya.

Mukha pa naman siyang problemado. Ang sama ko namang girlfriend kung paalisin ko siya.

Pero paano nga kapag naabutan kami ng parents ko dito sa bahay? Ano na lang ang sasabihin nila?

"Hindi ba pwede?" malungkot sa tanong.

Ngayon ko lang nakitang ganito si Donovan. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan.

"Tara" wala sa sariling sabi ko at hinila na siya papasok.

"In one and a half hour dadating na sina Mama at Papa" pang-iinform ko sa kanya.

Umupo naman siya sa couch at nakatulala lang. Parang wala sa sarili. Mukhang hindi niya nga narinig ang sinabi ko.

Pumunta ako sa kusina para ikuha siya ng tubig.

"Uminom ka muna ng tubig" kinuha naman niya 'yon at ininom.

Tinabihan ko siya sa couch.

"Puwede kang magsabi sa'kin. Nandito lang ako" pinagsiklop ko ang mga daliri namin.

"Okay ng nandito ka" aniya at walang sabi-sabing niyakap niya ako.

Pinabayaan ko lang na nasa ganoong posisyon kami. Tahimik lang siya at puro pagbuntong hininga niya lang ang naririnig ko.

Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon