Chapter 23

490 13 3
                                        

Chapter 23



"Uminom ka munang tubig" Cerene said at inabot sa'kin ang hindi pa bukas na plastic bottle.

Kinuha ko naman 'yon pero hindi ko mabuksan dahil sa panghihina ng mga braso ko. Parang naubos ang lakas ko.

Kinuha niya ulit 'yon at siya ng nagbukas. Halos mangalahati agad ang ininom ko. Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa ginawang pag-iyak.

"C-Cerene, t-tama ka nga.." bumuntong hininga mo muna ako bago ituloy ang sasabihin ko. Nag-uumpisa na namang manubig ang mga mata ko. "..t-tinabukhan n-niya ko" halos pabulong ko ng sambit.

May pumatak na namang isang butil ng luha. Kanina pa ako umiiyak. Bakit hindi maubos-ubos ang luha ko?

"Shhh, andito lang ako" pag-alo niya sa'kin at niyakap ulit ako.

Basa na ang kaliwang parte ng blouse niya sa bandang balikat pero parang wala siyang pakialam.

"T-Tinawagan k-ko siya b-bago ka dumating, m-mas o-okay pa sanang h-hindi s-sinagot yung t-tawag k-kaysa i-ibang b-b-bae yung n-nakasagot" humikhikbing sabi ko.

Napakalas naman siya pagkakayakap dahil sa sinabi ko.

"A-Ano?" gulat niyang tanong. "Putangina talaga niyang si Haze! Akala ko iba siya sa mga lalaki, pagkatapos kang buntisin tsaka ka papalitan?!" galit niyang sabi.

Tumayo siya  sa kinauupuan niya. Nasa labas pa rin kami ng bahay ni Donovan. Sinenyasan niya rin akong tumayo.

"Zoila hindi pwedeng ganito! Hahanapin natin siya! Kailangan ka niyang panagutan!" she said. Hinila na niya ako palabas ng gate.

Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon. Siguradong magulong-magulo ang buhok ko. Namumula ang mukha ko at maga ang mga mata ko.

"S-Saan tayo pupunta?" mahinang tanong ko sa kanya.

Hindi naman siya sumagot dahil busy siya sa pagdial ng cellphone niya. Wala na akong lakas para umangal pa kay Cerene. Sobrang gulo na rin ng utak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Paano na? Paano na tayo baby?

Napahawak na naman ako sa bandang tiyan ko habang ang kabilang kamay ko ay hatak-hatak ni Cerene.

"RAPHAEL JACKSON! PUMUNTA KA SA LABAS NG SUBDIVISION NI HAZE NGAYON DIN!" nagulat ako sa sigaw niya. Literal na sinisigawan niya ang kausap niya sa telepono.

"WALA AKONG PAKIALAM! BASTA PUMUNTA KA NA!" sigaw na naman niya.

Bakit niya ba pinapapunta si Raf?

"A-Akala ko ba, w-wala na k-kayo ni Raf?" tanong ko.

Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon