Chapter 37
"Nakagayak na ba lahat ng gamit Ate Delia?" tanong ko sa aming kasambahay ng makita ko siyang nagpupunas ng aming mga vase.
Kadarating lang namin galing kina Donovan. Malayo-layo ang biyahe at pagdating namin agad dito ay napagdesisyunang sasakyan ko ang gamitin. Doon kasi nakagayak na ang mga gamit. Magpapalit lang ako ng mas komportableng damit dahil mahaba ang magiging biyahe namin.
Hindi na kami nagpahinga dahil maabutan kami ng dilim sa daan. Aabutin ng apat hanggang limang oras papunta sa probinsya nina Lola. Siguradong aabutan na kami ng dilim sa daan.
"I can drive" presinta ko kay Donovan.
Nasa kamay ko na ang susi dahil kotse ko ang gagamitin. Kanina pagpunta namin sa kanila siya na ang nagdrive tapos ngayon naman siya ulit and it's a long drive. Puwede namang palitan kami pero sa itsura niya, mukhang hindi siya papayag.
"No" tanggi niya.
"C'mon, kagaya ng dati, half-half" hindi pinag-iisipang sabi ko.
Nakita ko namang ngumisi siya dahil sa sinabi ko. Now I mentioned our past.
"I'm glad you didn't forget our memories way back? Hmmm.." nangingiting aniya. "..but it's still a no" he said.
Kung pagtatalunan pa namin 'to. Mas lalo kaming matatagalan at gagabihin sa daan kaya nilampasang inirapan ko nalang siya at sumakay na ako sa driver's seat.
"Mommy, you'll drive?" gulat na tanong ni Zaze. Prenteng nakaupo na siya sa backseat.
"Yes, baby" nakangising sagot ko samantalang si Donovan naman ay nakasimangot na binuksan ang front seat.
Inirapan niya pa ako ng tumingin sa direksyon ko. Nakacross arms lang siya at hindi umiimik. Sa binatana lang siya nakatingin buong biyahe. Nang magkaroon ako ng pagkakataon ay sinundot ko ang tagiliran niya. Nakita ko nanang nag-react ang katawan niya sa bahagyang pagkakiliti.
Kunot-noo siyang bumaling sa'kin at bumaling na ulit sa bintana. Napakasuplado naman nito.
"Magkaaway po ba kayo ni Mommy, Daddy?" tanong ni Zaze ng mapansing sigurong hindi man lang kami nag-iimikan.
"No" ako
"No" sabay naming sagot.
"Then, why are you two so quiet? It's very unusual. Daddy you used to be sweet to Mommy" puna ni Zaze.
"Your Mommy is hardheaded, Zaze" sumbong ni Donovan sa anak namin.
"How, Daddy?" Zaze asked curiously.
"Hindi ba sabi ko sa'yo. The father is the who would drive the car to his family but your Mom keep on insisting that she will drive" Donovan said.
Sinulyapan ko naman siya ng matalim na tingin dahil nakafocus ako sa kalsada. Mukhang wala na naman akong kakampi dito. Sila na namang mag-ama ang magkakampi.
"You two, lagi niyo akong pinagkakampihan. Sa susunod talagang baby sana babae!" inis na sambit ko.
Sandaling natahimik naman sila dahil sa sinabi ko. Na-realize ko na hindi tama ang lumabas sa bibig ko. What did I just say?
Really Zoila? Sa susunod na baby? So you're planning to have a baby on Donovan?
![](https://img.wattpad.com/cover/225600753-288-k439295.jpg)
BINABASA MO ANG
Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETED
General FictionReality Series #1: Two Red Lines Zoila Ysabel Alvarez got pregnant at the age of 15, while her boyfriend, Donovan Haze dela Vega, had just reached his legal age. What to do? Started: May 17, 2020 Ended: July 17, 2020 The Photo of Story Cover is not...