Chapter 22

390 13 3
                                    

Chapter 22

"Tahan na, hindi magandang umiiyak ng umiyak ang buntis" pagpapatahan niya sa'kin.

Nandito kami sa likod ng Senior High Building kung saan ako pumunta noon nung nag-away kami ni Cerene.

Ito lang kasi ang alam kong pinakamalapit na puntahan, naglalabasan na ang mga estudyante dahil lunch na kaya dito ko naisipang pumunta.

"P-Paano na ko Cerene? H-Hindi ko alam k-kung paano s-sabihin sa parents ko" patuloy pa rin ako sa paghikbi.

Dala na rin siguro ng hormones kaya mas nagiging madamdamin ako ngayon.

Hindi ko na alam. Bakit hindi siya pumasok kung pasahan na nila ng Clearance at requirements para maka-graduate?

Hindi naman ako tanga para isiping hindi niya 'yon sinasadya. Tinataguan niya ba ako?

"Shhhh, tahan na" pag-alo pa rin niya.

Bigla namang kumalam ang sikmura ko habang inaalo niya ko. Hindi pa nga pala kami naglulunch.

"Fix yourself Zoila, don't let your emotions beat you. Cheer up. You need to eat, magugutom si baby" ani Cerene.

Natauhan naman ako bigla. Kung dati kahit hindi ako kumain ayos lang, ngayon hindi na. Kailangan kong kumain.

Tumigil na rin ako sa pag-iyak at inayos ang sarili ko. Walang mangyayari kung iiyak lang ako.

Cerene is right. I can't let my emotion beat me.

Inayos ko ang buhok ko at pinunasan ang luha ko.

"Ayos na ba?" medyo paos na tanong ko kay Cerene.

Sinipon rin ang dahil sa ginawa kong pag-iyak.

"Oo, tara na. Magta-time na, baka hindi na tayo makalabas" aniya at inalalayan akong tumayo. Nakaupo kasi kami sa ugat ng puno.

Ganoon pa rin ang nagyari pinapayungan ako ni Cerene. Tahimik kaming naglalakad palabas. Hindi siya nagsasalita o gumagawa man lang ng topic.

Sa Carinderia kami kumain dahil wala na namang tao dahil oras na ng klase. Mabuti nga at pinayagan pa kaming lumabas ng gwardya kahit malapit ng mag-umpisa ang klase.

"Ate, itong Chopseuy isang order tsaka po isa't kalahating kanin" binigay naman ng tindera ang sinabi niya.

Nagtaka pa ako ng iabot niya sa'kin 'yon.

"Nangangalay na ko oh, kunin mo na" aniya.

Kinuha ko naman 'yon at nauna ng umupo sa bakanteng lamesa. Umorder naman siya ng para sa kanya.

Paglapag niya, karne ang ulam niya samantalang sa'kin gulay? Kumakain naman ako pero kailangan mayroon ding karne.

"Bakit gulay lang ang sa'kin?" tanong ko.

"Kailangan masustansya kinakain mo, remember?" aniya at tinaasan ako ng kilay.

Nagets ko naman ang ang sinabi niya.

Para kay baby

Wala sa sariling napahawak ako sa bandang tiyan ko.

Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon