Chapter 14
"Bakit parang hindi mo yata ako gustong makita?" naka-kunot noong tanong niya at pumasok ng walang pakundangan sa loob ng bahay.
Dire-diretso lang siya.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi niya napansin ang kotseng naka-park sa garage. Diretso lang siya hanggang sa sala.
Umupo siya doon na parang siya ang may-ari ng bahay.
"Wow! Halos sirain mo doorbell namin tapos ngayon feel at home na feel at home ka." sarkastikong sabi ko. Napakameywang pa ako sa harapan niya at masama ang tingin sa kanya.
What is he doing here? Wrong timing naman si Lean.
"Baka mamatay ako sa sama ng tingin mo." natatawa niyang sabi. Hindi sineseryoso ang sinasabi ko.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko ulit sa kanya.
"Edi sasamahan ka. Baka mabaliw ka dito sa boredom. Ganito naman tayo dati di'ba? Pumupunta ako kapag wala si Tito at Tita." he said cooly.
Oo, noon 'yon. Noong mga panahong hindi ko pa boyfriend si Donovan. Kinakabahan rin ako dahil baka makita ni Lean si Donovan and worst galing pa sa taas. Lean is smart. Alam kong agad niyang malalaman kung anong namamagitan sa amin. Isama pa noon 'yong narinig kong pag-uusap nila ni Mama. May alam siya pero hindi ako sigurado kung ano 'yon.
"That was before." pilit kong inayos ang boses ko. I tried really hard not to sound pissed but I failed.
I didn't really expect to see Lean here. If he didn't came here. Siguradong masaya na kaming nagmomovie marathon ni Donovan. Hindi ko lang mapigilan ang inis ko sa kanya kahit wala naman siyang kasalanan.
"Bakit ang sungit mo? Meron ka ba ngayon?" nang-aasar niyang tanong.
He's getting into my nerves. Pumunta ba siya dito para mang-inis?
"Pumunta ka ba dito para inisin ako?" inis kong tanong.
Kumunot naman ang noo at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko na.
"If you don't want me here. Aalis na lang ako." malungkot na sabi niya. Hindi ko alam kung uma-acting lang ba siya o ano.
"Hindi naman sa ganoon. Wait me here. I'll just take a bath." I said at dali-daling umakyat sa taas.
Pagbukas ko ng kuwarto ko bumungad agad si Donovan sa'kin. Nakakunoot ang noo niya at mukhang badtrip.
Nakita niya ba si Lean sa baba? Sinilip ba niya kami kanina?
"Who's that guy?" madiin niyang tanong. Mahahalata mo rin ang galit sa kanyang tono. Alam kong pinipigilan niya lang ang sariling sigawan ako.
Napalunok naman ako ng tingnan ko ng diretso ang mga mata niya. Iba't iba ang nakikita kong emosyon doon. Galit, sakit, lungkot at selos.
"S-Si..a-ano..L-Lean. K-Kaibigan ko." nauutal kong sambit.
Kinakabahan ako sa paraan ng pagtingin niya sa'kin. Naningkit ang mga mata niya na parang tinitingnan kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.
"Why are you stuttering if he's just your friend?" tanong niya.
Diniinan pa talaga ang pagkakasambit ng salitang 'friend'.
"N-Nakakatakot ka kasing makatingin." nauutal ko pa ring sambit. Sa tagal naming magkasintahan ngayon ko lang siya nakitang ganyan makatingin. He's always gentle when it comes to me.
Napapikit naman siya dahil sa sinabi ko. Ginulo niya ng bahagya ang buhok niya. Sa muling pagtatama ng aming mga mata, wala na ang nakikita kong galit. Napalitan na ito ng pag-aalala at kalungkutan.

BINABASA MO ANG
Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETED
Ficción GeneralReality Series #1: Two Red Lines Zoila Ysabel Alvarez got pregnant at the age of 15, while her boyfriend, Donovan Haze dela Vega, had just reached his legal age. What to do? Started: May 17, 2020 Ended: July 17, 2020 The Photo of Story Cover is not...