Chapter 26

454 10 14
                                    

Chapter 26

"Hoy, tulala ka na naman" puna ni Cerene.

Nakatingin lang ako sa eroplanong pataas ng pataas ang lipad. Hindi ko siya pinansin kahit naririnig ko siya.

Masyado akong nagfofocus sa eroplanong 'yon hanggang sa mawala sa panigin mo. Biglang naramdaman ko na lang na basa ang pisngi ko.

I'm crying again.

Napaaga ang alis niya at sa mismong anniversary pa namin. Dalawang taon na sana kami.

Kung hindi ba ako nabuntis, kami pa rin ba kahit aalis siya o iiwan niya rin ako. Mas nakahanap nga lang siya ng rason ngayon kaya niya ako iniwan.

"Tahan na. Baka makasama yan kay Baby" naramdaman kong binalot ako ng yakap ni Cerene.

Pinunasan ko naman agad ang luha ko ng banggitin niya na makakasama ang pag-iyak sa batang dinadala ko.

"Huwag mo kasing isipin yung walang kwentang lalaking 'yon. Sinaman kita para mag-enjoy" aniya.

We're heading to the mall. Kasalukuyan kaming nasa kotse. Sinundo ako ni Cerene sa bahay at ipinagpaalam kay Mama at Papa kung pupuwede kaming mamasyal. Gusto daw niyang sulitin ang mga araw habang nandito pa ako sa siyudad.

Hindi na nagtagal ang biyahe at nakarating na kami. Sa mismong harapan ng mall kami binaba. Bahala ang driver ni Cerene na magpark ng kotse.

Masyado kasing mainit ang panahon dahil magsusummer na rin.

"Saan tayo?" tanong ko kay Cerene.

As usual siya na naman ang nanghihila kung saan kami pumunta. She's so OA. Parang ngayon lang siya nakapunta ng Mall kung makahila.

"Dahan-dahan naman, remember?" paalala ko sa kanya.

Mukhang nakalimutan yata niyang buntis ang kasama niya.

Buntis

Hanggang ngayon naninibago pa rin talaga ako. Parang hindi pa rin nagsisink in sa isip ko.

This time, hindi na niya ako hinihila.

Dinala niya ko sa damit ng mga baby. Ang cucute ng mga nakikita ko. Biglang nawala lahat ng isipin ko. Naaliw ako dahil ang liliit nila.

Napahawak naman ako sa tiyan kong hindi pa lumalaki.

Sana baby babae ka.

Gagawin kitang barbie doll ko. Bibihisan kita ng magaganda at super cute na mga damit. Habang tinititingnan ko ang mga damit ng baby naiimagine ko ang sarili kong binibihisan ko ang anak ko. Pinapalitan ko siya ng diaper habang humahagikhik siya, sobrang sarap pakinggan sa tainga ng tawa niya...

"How may I help you Ma'am?" naputol ang imagination ko ng biglang sumulpot na sales lady sa tabi ko.

Nasaan na ba si Cerene?

"Para po sa bagong panganak na baby" sagot ko.

Hindi pa naman ako puwedeng bumili ng mga may design na agad at makukulay na damit. Ang alam ko para sa bagong anak ay puro kulay puti lang.

"This way po Ma'am" iginiya ako ng sales lady.

"Para kanino po ba? Sa kapatid niyo po?" magalang niyang tanong.

Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon