Chapter 31
"Goodmorning Mommmmyyyyy!" masiglang bati sa'kin ng anak ko pagmulat pa lang ng aking mga mata.
"Morning Baby" paos kong sambit.
Sa totoo lang inaantok pa ako dahil late na akong nakatulog pero naramdaman kong may maliit na daliring sumusundot sa pisngi ko.
Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na ba. Napabalikwas ako ng bangon. It's ten in the morning.
"Mommy faster may visitor po sa baba" he said.
Nangunot naman ang noo ko. Wala akong inaasahang bisita.
"Hindi mo kilala?" I asked him. Umiling naman ang anak ko at nagpout.
Nilabas naman niya ang kwintas niya na laging nakatago sa suot niyang damit.
"Sabi po niya he owned this. Diba po Mommy sabi mo bigay 'to sa'yo ng tunay kong Daddy? At sabi mo rin po wala na po siya pero bakit po sinabi nung lalaki doon sa baba na sa kanya daw po ito?" sunod-sunod na tanong ng anak ko.
Halatang naguguluhan siya sa nangyayari. Hindi ko naman akalaing babalik siya. Pero kahit bumalik siya, wala na siyang babalikan dahil inabandona niya kami ng anak ko.
Napahilot naman ako sa sintido ko. Ang hirap ipaliwanag sa batang edad ng anak ko ang sitwasyon namin ng lalaking 'yon.
At isa pa bakit pa siya pumunta dito sa bahay? Kagabi lang nakita po siyang may kasamang babae!
Naligo muna ako, naglagay ng very very very light make-up at nagbihis ng maayos bago bumaba at harapin ang lalaking 'yon.
Hindi ko alam kung saan ba siya kumukuha ng kapal ng mukha para magpunta sa pamamahay ko.
"Baby dito ka lang muna ha. Paakyatin ko dito si Manang. Huwag kang lalabas ng room okay?" masuyong sabi ko sa kanya.
"Okay po Mommy" masunuring sabi ng anak ko.
"Goodboy. Give me a kiss" nangingiti kong sabi habang nakaupo sa kama.
Nasa kama din siya kaya madali niyang nagawang halikan ako sa right cheek ko.
"Give me a hug too" agad din naman niya 'yong sinunod.
"I love you Mommy" malambing niyang sabi.
Awtomatiko naman akong napangiti. My son is my happiness. He never fails to make me smile everyday.
He's the reason why I became Cum Laude. He's my inspiration. His laugh, his hug, his smile. Doon ako kumukuha ng lakas ng loob.
Hindi naging madali para sa'kin noong bumalik ako sa pagpasok sa school. Araw-araw nakakarinig ako ng panghuhusga but I chose not to give up, to keep going because of my son. He became my strength.
"I love you too Baby, dito ka lang I'll just talk to our visitor" I said and kissed his cheek before I leave him on my room.
Nakatatlong tingin pa ako sa salamin kung maayos ba talaga ang itsura ko.
Hindi ako nagpapaganda! Gusto ko lang maging presentable sa harapan niya.
'Yon ang pilit kong iniisip pero may kabilang parte ng utak kong nagsasabing nag-ayos ako dahil sa kanya.
Sa totoo lang, napaisip ako sa tanong ni Lean kagabi. If I still love him?
BINABASA MO ANG
Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETED
Fiksi UmumReality Series #1: Two Red Lines Zoila Ysabel Alvarez got pregnant at the age of 15, while her boyfriend, Donovan Haze dela Vega, had just reached his legal age. What to do? Started: May 17, 2020 Ended: July 17, 2020 The Photo of Story Cover is not...