Chapter 38

450 11 3
                                    

Chapter 38

"Finally, nakababa na kayo" tukso ni Leanna ng makasalubong niya kami ni Donovan sa hagdan.

Binigyan niya kami ng mapanuring tingin na akala mo may ginawa kaming kababalaghan sa kuwarto kaya ngayon lang kami bumaba.

"It's not what you think" I said and rolled my eyes.

Dumiretso na ako sa dining. May nakahanda ng pagkain doon. Naabutan kong kumakain doon ang isang babae.

Napatigil ako saglit at sinuri ang bawat galaw niya. She's not sophisticated but I can sense that she have the same aura as Ate Hazel but this girl is much lighter.

Maganda siya, morena at litaw na litaw ang colar bone niya dahil nakasuot lang ng itim na sando.

Naramdaman ko naman ang kamay ni Donovan sa baywang ko dahil naabutan na niya akong maglakad.

Napansin na kami ng babae at awkward siyang ngumiti sa'min.

"Breakfast?" alok niya sa'min.

It looks like she's feel at home in my grandmother's mansion pero ngayon ko lang siya nakita.

Umupo ako sa harap niya at sa tabing bangko ko naman si Donovan. Tahimik lang kami sa dining. Kahit ang babae ay maganang kumakain ng breakfast kaya naisip kong basagin ang katahimikang 'yon.

"Uh..who are you?" nag-aalangang tanong ko.

Napatigil naman siya sa pagkain, nginuya niya muna ang pagkaing nasa bibig niya at uminom ng tubig.

"I'm Jin, kapatid ni Rex. Ikaw si Zoila hindi ba?" she asked cooly.

Bumaling siya kay Donovan.

"At ikaw si Haze dela Vega, yung kapatid ni Hazel" she said.

It's s statement, not a question.

It seems like she know us and her face looks familiar. Alam kong nakita ko na ang mukha niya pero hindi ko pa siya nakikita sa personal.

"How did you know?" kunot-noo kong tanong.

"Gusto mo ba talagang sagutin ko yan? Baka matakot ka sa'kin?" makahulugan niyang sabi.

Natahimik naman ako. What did she mean by that?

"Just kidding" she said ng mapansing natahimik ako.

Nagpatuloy kami sa pagkain ng tahimik. I don't know but this girl has different aura. Kakaiba ang dating niya sa'kin, even his brother, Rex.

Nakita kong sumulyap siya kay Donovan. Napapansin kong kanina pa siya pasulyap-sulyap sa..

Ano ko nga ba?

..boyfriend ko.

I will claim him. Yeah boyfriend dahil sasagutin ko na naman siya bukas o baka mapaaga dahil sa babaeng 'to.

"Mauna na ako sa inyo" aniya ng matapos kumain.

Paalis na sana siya ng table ng magsalita ang kanina pa tahimik na si Donovan.

"Want me to tell him where you are now? Dito pala huh?" he said with a mocking tone.

Natigilan naman si Jin dahil sa sinabi ni Donovan. It looks like magkakilala sila. Isama pa ng tingin ng tingin itong si Jin kay Donovan kanina.

Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon