Chapter 25

458 11 4
                                    

Chapter 25



"Zoila, wake up tanghali na" naramdaman kong marahang niyugyog ni Mama ang aking balikat.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Naipikit ko itong muli dahil masyado ng mataas ang sikat ng araw. Naramdaman ko rin na mahapdi ito, probably because of yesterday.

Ilang sandali pa bigla akong napabangon.

I have class. Anong oras na ba?

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Mama.

"May pasok ako, Ma" sagot ko.

"Tapos na naman ang mga activities sa school. Huwag ka na munang pumasok ngayon. Nagpa-appointment na ako kay Doctora Fontanilla" she said.

"Ma" mahina kong sambit. Nabasag na naman ang boses.

I remember her reaction yesterday.

"It's okay Zoila" ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata niya.

"I'm sorry. I'm sorry po. Hindi ko puwedeng sabihin na hindi ko sinasadya. I made it, ginusto ko. Hindi po ako nag-ingat. I'm sorry" naiiyak ko na namang sambit.

Dala na rin siguro ng pagbubuntis kaya naging mababaw ang luha ko. Niyakap ako ni Mama at inalo. She keeps on telling me that it's okay but I know it's not.

Hindi sapat ang sorry ko.

"Ma, alam kong hindi sapat yung sorry ko. Alam kong hindi okay sayo. I'm such a disappointment. Alam ko Ma, hindi mo maiwasang maitanong sa sarili mo kung saan ka nagkulang, kung bakit nangyari sa'kin 'to. Ma, huwag na huwag mong kukwestyunin ang sarili mo. Wala ka pong pagkululang. You keep on asking if I have a boyfriend. Hindi ka nagkulang sa paalala sa'kin, Ma. Ako po yung nagkamali. Ako yung hindi nagsabi kahit ilang beses kang nagtatanong kasi natatakot po akong sabihin lalo na alam kong hindi kayo payaga. You're such a great mother. I understand Ma, nung sinampal mo ako. I don't have any hidden grudge on you kasi sobrang bait mong ina" sabi ko sa kanya habang magkayakap kami.

"Shhh tahan na, anak. Nandyan na yan. Kailangan mong harapin. Nandito lang kami ng Papa mo. We'll get through this" aniya.

Pagkatapos ng eksenang 'yon. Umalis na muna siya at hinayaan akong gawin ang morning routines ko.

After doing that bumaba na ako ng nakabihis na. Nasa dining table na si Mama at Papa.

Umupo na rin ako sa puwesto ko. Si Mama pa mismo ang naglagay ng fried rice sa pinggan ko pero ng maamoy ko 'yon ay parang biglang bumaliktad ang sikmura ko.

Morning Sickness

Agad akong tumayo at pumunta sa sink para doon dumuwal pero walang lumalabas sa bibig ko.

Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon