Chapter 29
"ALVAREZ, ZOILA YSABEL C, CUM LAUDE" nang marinig ko ang pangalan ko nagmartsa patungo sa stage.
"Congratulations" kinamayan ko ang mga taong nakahanay doon
Nang humarap na ako sa mga taong nanonood. Agad kong tiningnan ang direksyon ni Mama at Papa. Sabay silang nakangiting pumapalakpak and my six years old son.
Todo palakpak siya habang nakatingin sa'kin. I smiled genuinely. Finally, after all my struggles.
Biglang bumaha sa ala-ala ko kung bakit ko narating ito ngayon. Kung sino ang inspirasyon ko kung bakit ko nakamit ang karangalang ito.
"Ma, gusto ko pong ipagpatuloy ang pag-aaral ko" mahina kong sambit habang nakatingin sa sanggol na nasa crib.
Mabilis na lumipas ang araw. Parang kailan lang normal na teenager lang ako na walang ibang gagawin kundi mag-aral at magkaroon ng mataas na marka pero ngayon mayroon na akong responsibilidad.
Isa na akong ina. Kailangan kong maging matatag. Gusto kong bumalik sa pag-aaral para sa anak ko. I want to give him a better future. Hindi habang buhay nandyan ang mga magulang ko para saluhin ang mga problema ko, para gabayan ako.
"That's a good idea, anak" bakas ang kasiyahan sa kanyang boses. "Mas maganda kung sa Manila ka na ulit. I can take care of my grandson" aniya pa.
"Sige, Mama babalik na po ako sa bahay natin. Kaya ko naman talaga naisipan na dito mag-stay kasi natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao sa'kin. I don't want to hear their judgement pero Ma, kahit saan ka pala magpunta may mga taong pilit at pilit kang huhusgahan" seryosong sabi ko.
"Hindi na mawawala ang mga ganyang tao anak but always remember that we're here to support you no matter what" Mama said and hug me.
Napakalas naman ako ng yakap kay Mama ng biglang umiyak ang anak kong natutulog lang kanina.
Kinuha ko naman siya sa crib at binuhat na.
"Anong gusto ng baby ko? Dede ka na kay Mommy?" malambing na tanong ko sa anak kong limang buwan.
BINABASA MO ANG
Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETED
General FictionReality Series #1: Two Red Lines Zoila Ysabel Alvarez got pregnant at the age of 15, while her boyfriend, Donovan Haze dela Vega, had just reached his legal age. What to do? Started: May 17, 2020 Ended: July 17, 2020 The Photo of Story Cover is not...
![Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/225600753-64-k439295.jpg)