Chapter 27

462 14 2
                                    

Chapter 27

"Anak, are you really sure about this?" ilang ulit ng tanong ni Mama at ilang ulit na rin akong tumango.

"Opo, Ma. Bibisitahin niyo naman po ako doon kapag hindi kayo busy diba?" paninigurado ko.

"Oo naman. Ngayon ka lang mapapahiwalay sa'min kaya hindi ako sanay lalo pa nasa ganitong sitwasyon ka. Wala ako sa tabi mo para bantayan ka" malungkot na sabi niya.

Ngumiti na lang ako ng tipid sa kanya.

Nakapagdesisyon na ako. Tutuloy ako sa probinsya nina Lola. Nandoon naman ang dalawa kong pinsan na si Leanna at Lyndon tsaka si Lola na rin.

Ano kayang magiging reaksyon ni Tita? I bet she's shocked too and si Lola? Sana naman hindi siya gaanong magulat. Mayroon altapresyon pa naman 'yon.

Si Leanna kaya kapag nalaman niya? OA pa naman 'yon. At si Lyndon. He knew Donovan. Masyadong matalino ang pinsan kong 'yon. Magcoconclude kaagad siya at hindi nga naman siya nagkakamali na si Donovan ang ama.

Pagdating doon siya ang unang-una kong kakausapin. Hindi ko pa nasasabi kina Mama  at Papa. Hindi na rin naman sila nagtatanong. Maybe they respect my decision for not telling them.

Kasalukuyan kaming nag-eempake ng mga gamit ko. Doon muna ako kay Lola habang ipinagbubuntis ko ang magiging anak ko. Anak ko lang dahil wala siyang ama. Hindi niya kailangan ng isang amang iresponsable.

"Baby what's the meaning of DHDV?" tanong ni Mama.

Napapunta naman sa kanya ang atensyon ko at napatingin sa hawak niya.

It's a necklace from him. It was a Christmas gift from him.

Bumaha na naman sa isip ko ang mga matatamis niyang salita.

No one can stole me away from him?

What happened now?

Hindi ba wala namang umagaw kasi siya yung nang-iwan.

"Itapon mo na yan, Ma" medyo inis ang tono ng pananalita ko. Dala na rin siguro ng mood swings.

Nawala na ako sa mood ng makita ang kwintas na kasalukuyang hawak ni Mama at sinisipat na kung ano doon.

"Ang ganda-ganda bakit itatapon?" takang tanong ni Mama.

"That necklace was special but now, it's nothing but a trash." makahulugan kong sagot sa kanya.

Nangunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Mukhang ipinoproseso ang ibig kong sabihin at ng malaman na siguro niya ang kasagutan ay seryoso niya akong tiningnan.

"Is this the initials the father of your child?" she asked seriously.

Umiwas naman ako ng tingin. Walang balak sagutin. I don't want to talk to that man. I hate him. I'm so mad at him.

How can he do this to me? He fooled me and I can't forget that. Sagad na sagad ang galit ko sa kanya.

"I don't want to talk about him, Ma. Not now please?" nagmamakaawa ang boses ko.

Bumuntong hininga naman siya at tumigil ng magtanong.

Binalik niya sa lalagyan ang kwintas at itinabi 'yon. Nagpatuloy na lang kami sa pageempake ng mga damit ko.

Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon