Chapter 30

646 18 13
                                        

Chapter 30

"Tell me you're just kidding" I said in a serious voice.

Hindi magandang biro ang ginagawa niya. It was seven years ago since I heard that name.

"I'm not, Zoila" she answered, also in a serious voice.

"Ibig sabihin totoong nakita ko siya kanina. I'm not hallucinating" wala sa sariling sabi ko.

"What! Nakita mo siya? Paano? Saan? Alam ba niyang nakita mo siya? Ang kapal naman ng mukha niyang magpakita pagkatapos niyang mang-iwan" she said exgerratedly.

Nasabi ko ba talaga 'yon ng malakas? He saw me and he also saw my son. Akala ko naghahallucinate lang ako. Akala ko namalik- mata lang ako but it's him. It's really him.

Bakit pa siya bumalik? Sana hindi na lang.

"You know what? I don't care about him anymore" bakas ang pait at galit sa boses ko.

Biglang nagring ang cellphone ni Cerene. Sinagot naman niya ito.

"Yes, Tita nandito na kami sa parking. Pababa na po kami" magalang na sabi ni Cerene sa kabilang linya.

"Si Mama kausap mo?" tanong ko.

"Oo, tinatanong kung nasaan na tayo kaya let's go na" aniya.

Bumaba na rin ako at bumaba siya. Sakto ring pagbukas ng pinto ng kotse na katabi namin kaya napatingin ako doon and there I saw him.

Bumilis ang pintig ng puso ko ng sandaling nagkatitigan kami ng kulay brown niyang mga mata pero siya ang unang nag-iwas ng tingin. Kitang-kita ang kulay nito dahil nagrereflect ito sa ilaw na nanggagaling sa poste sa di kalayuan.

"Zoila, let's go nag-iintay na sila Ti-- oh Haze?" bakas ang gulat kay Cerene.

Maski sa lalaking kaharap ko ngayon gulat din pero but me? I'm just staring at him blankly. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon kagaya ng lagi kong ginagawa tuwing nakakarinig ako ng panghuhusga ng mga tao. Habang tinititigan ko siya tanging galit ang namumuo sa'kin dahil sa ginawa niya.

Akmang magsasalita pa siya pero inunahan ko na siya.

"Let's go, Cerene" I said at nauna ng maglakad.

I was confidently walking away to that place pero napatigil ako sa narinig ko.

"Honey, what are you staring at? Ang tagal mo kong pagbuksan ng pinto" malambing ang boses ng babae.

Parang nabato ako sa kinatatayuan ko. Ang babaeng kalalabas lang ng kanyang kotse ay tinawag siyang Honey?

What woud I expect from him? Pinabayaan niya nga akong umalis sa bahay nila noon. Itinanggi niya ako noon. Sana lang huwag na niyang gawin sa ibang babae.

Kung gagawin man niya ulit 'yon sa iba. Ngayon pa lang...

I pity his new girl.

"Bakit ka tumigil?" nagtatakang tanong ni Cerene.

Umiling na lang ako at nagpatuloy sa paglakad. Pinagbuksan kami ng pintuan ng guwardya and he politely greeted us 'Goodevening'

May sumalubong din sa'ming waiter at tinanong kung may reservation kami. Sinabi ko na lang ang pangalan ni Papa. Iginiya niya kami doon.

Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon