Chapter 24

421 14 7
                                    

Chapter 24

"Anong nangyari?" sinalubong ako ni Cerene ng yakap ng palabas pa lang ako ng gate.

Umiiyak lang ako sa balikat niya. I don't care kung nakatingin si Raf at nakatingin ang guwardya. I'm in pain. Sobrang sakit. Hindi man lang niya ako pinigilan. Wala man lang siyang sinabi.

What should I expect from a guy like him?

Tumakbo pagkatapos malaman na buntis ang girlfriend niya at wala pang balak magpakita.

"I want to get out of this place" paos kong sabi, kumalas na ako sa kanya at nauna pang sumakay sa backseat.

Sumunod sa'kin si Cerene at wala namang imik si Raf na pumasok sa driver seat. Hindi na siya nagreklamo na nasa tabi ko ngayon si Cerene.

I'm a mess. I don't know kung anong itsura ko ngayon.

Pinainom ako ni Cerene ng tubig dahil baka madehydrate ako. Kanina pa ako umiiyak.

Tulala lang ako habang umaandar ang sasakyan. Minsan may ilang butil na lang na kumakawala ng hindi ko namamalayan.

"Gusto mo bang huwag munang umuwi sa bahay niyo?" marahan ang pagkakanong ni Cerene.

Tila ingat na ingat ang bawat salitang bibitawan niya. It's four in the afternoon. Medyo traffic pa kaya mamaya pa kami makakarating. Malayo-layo ang pinuntahan namin.

"Uuwi ako" malat kong sabi.

"Zoila, I can make an excuse to your parents. I'm just concern that they will see you like this" nag-aalalang sabi niya.

I'm thankful that Cerene is beside me. I have someone to hold on but the pain that Donovan cause me is still here. I will not forget this day.

The day that he denied me, not just me but our child. It's so painful.

Tumulo na naman ang mga luha ko ng maalala ang mga salitang binitawan niya. Ang mga salitang sinabi niya sa harapan ng Ate niya. Hindi rin niya itinanggi ang sinabi ng Ate niya na isa lang ako sa babaeng naghahabol?

Kahit traffic at matagal ang byahe hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay. Madilim na, nagulat ako ng si Papa pa ang nagbukas ng backseat.

Kita ko agad ang galit niyang ekspresyon at marahas niya akong hinigit palabas.

"Tito careful" paalala ni Cerene. Bakas ang pag-aalala sa kanya.

"Arnold!" sigaw din ni Mama.

"We're calling you for so many times Zoila Ysabel. Why didn't you answer your phone. We're so worried" biglang lumambot ang boses niya.

Walang sabi-sabing niyakap ko siya. In my father's chest. I cried so hard. Wala na akong pakialam kung makita ako ni Cerene at Raf sa ganitong sitwasyon.

I don't care anymore. I just want to cry. Iba talaga ang feeling kahit wala kang sinasabi kapag magulang mo ang yumakap sa'yo. Iba pa rin sa yakap ng kaibigan. It feels like home.

"What happened? Why are you crying my princess?" marahan niyang tanong.

Wala ng bakas ng galit ang boses kanina. Marahan na ito para akong hinehele. Hinahaplos niya ang buhok ko habang umiiyak ako sa dibdib niya.

"Cerene, what happened?" naririnig kong tanong ni Mama sa kanya. Bakas rin ang pag-aalala sa boses niya.

Naramdaman kong niyakap niya rin ako at kulamas na si Papa at si Mama at pumalit sa pagkakayakap.

Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon