Chapter 28
"Siya ba ang ama?" Lyndon asked.
Nang makakuha siya ng pagkakataon kanina ay agad niya akong hinigit sa garden. Kaming dalawa lang ang tao dito.
"Oo" sagot ko at umiwas ng tingin.
"Alam ba ni Tito at Tita?" he asked again.
Umiling naman ako.
"The way I look at him. He sincerely love you. What happened?" tanong na naman niya.
I thought he's not the nosy type but why the hell he's asking this questions? I'm starting to get annoyed.
"Well, I bet mali ang nakita mo. He run away" hirap na hirap akong banggitin ang mga salitang yan sa harapan niya.
Hindi ko man lang mabanggit ang pangalan ng lalaking 'yon. I envy him. I loath him. Kung pwede lang ay makalimutan ko na siya ng tuluyan. I want to have an amnesia para makalimutan siya. Ganoon ako kagalit sa kanya. Ganoon ko siya kinamumuhian dahil hindi niya man lang ako nagawang panindigan.
"Maybe he have reasons" pagdedepensa ng pinsan kong si Lyndon sa lalaking 'yon.
"You know! I don't want to talk about him! Kung tungkol lang sa kanya ang itatanong mo pupunta na lang ako sa kuwarto ko para magpahinga" bakas na sa boses ko ang iritasyon.
Iniwan ko siya doon at umakyat na sa kuwarto ko. Nasa library si Mama at Papa kausap si Lola. My grandmother was so shocked. Mabuti naman at hindi siya inatake ng high blood kanina.
Kapag nangyari 'yon. Sisisihin ko ang sarili ko. Problema ang dala ko sa pamilyang ito at disappointment pero hindi nila ipinaramdaman sa'kin na ganoon.
Nagpapasalamat ako dahil hindi makitid ang utak nila at mas nangibabaw ang pang-unawa kaysa panghuhusga at paninisi sa kasalanang nagawa ko.
"Anong pinag-usapan niyo ni Lyndon?" tanong ni Leanna.
Nasa tapat siya ng kuwarto ko at halatang hinihintay ako. Kanina imbes na makita kong husgahan niya ako. Niyakap niya pa ako. Just like Cerene did when we knew my situation.
"Nothing important" sagot ko sa kanya.
"Magpapahinga ka na ba? Gusto ko pa naman sanang ipasyal ka dyan sa tabing dagat. Marami ng nagbago simula ng huling punta mo dito" she said.
Bigla ko tuloy namiss si Cerene. They have the same personality. Mukhang matagal-tagal pa bago ko kami magkita ulit ng babaeng OA na 'yon.
"Gusto ko 'yon. Tara" excited kong sabi.
Biglang naiba na naman ang mood ko. Kani-kanina lang ay inis ako ngayon masaya na ulit. Weird. Ganito ba talaga?
Naglibot kami ni Leanna. Siya na rin naman ang nagsabi na huwag ko siyang tawaging Ate. She prefer Leanna daw.
Ang mansyon ni Lola ay tabing kalsada pero ang likurang banda ng mansyon ay patungong dagat.
Nauna akong maglakad kay Leanna. Purong bermuda grass ang tinatapakan namin. Ang mansyon ay napalilibutan ng pader sa may gilid pero ang bandang dagat ay halos hanggang baywang lang ang pader na semento at ang kalahati ay matataas na bakal lamang na may patusok sa bandang dulo kaya tanaw na tanaw ko na agad ang mahinahon at asul na asul na dagat.
BINABASA MO ANG
Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETED
General FictionReality Series #1: Two Red Lines Zoila Ysabel Alvarez got pregnant at the age of 15, while her boyfriend, Donovan Haze dela Vega, had just reached his legal age. What to do? Started: May 17, 2020 Ended: July 17, 2020 The Photo of Story Cover is not...
![Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/225600753-64-k439295.jpg)