Chapter 12
"What are your plans this coming sembreak?" Donovan asked while we're heading to our school.
Ano nga ba? I don't have any plans. Siguro sa bahay lang? Napangiwi naman ako sa sarili kong naisip. Ang boring naman. Isang linggo akong magkukulong sa bahay?
"Hindi ko pa alam. Mostly diba kapag sembreak. Wala sina Mama at Papa sa bahay." I said.
Totoo yon. Mag-isa lang ako sa bahay tuwing sembreak. Marunong naman akong magluto at may stay out maid kami para sa paglilinis at paglalaba.
"Gusto mong magbeach?" he asked.
Nagliwanag naman ang mga mata ko dahil sa suggestion niya. Gusto ko 'yon. Hindi pa kami nakakapagbeach ni Donovan together. Wala kasing pagkakataon lagi.
Perks of not having legal relationship. Hindi pa rin niya ako naiipapakilala sa magulang niya and it's okay. Hindi pa rin naman siya kilala nina Mama at Papa. Sasabihin rin naman namin when the right time comes.
"Of course. I want that." masayang sabi ko. "Tayong dalawa lang ba?" tanong ko ulit.
Nakita ko naman sa may peripheral vision ko na napangisi siya.
"Yes. Just the two of us. To also celebrate our nineteen months of love." nangingiti niyang sambit. Kahit ako ay napangiti rin. Hindi niya nakakalimutan.
"Hindi mo talaga nakakalimutan." I said while smiling widely.
"Of course. I will never forget everything about us." malambing niyang sabi. Dumoble na naman ang bilis ng tibok ng puso ko.
Hindi ko namalayan, malapit na pala kami sa school. Tinanggal na niya ang pagkakaakbay niya. Humiwalay na rin siya ng daan at ako naman ay dumiretso na sa classroom.
Ngayon ang exam namin at tsaka bukas. Half day lang. Hinati sa tig-apat na subject bawat araw para hindi daw masiyadong masakit sa utak. Mabuti na rin naman 'yon. So ang ni-review lang namin ni Donovan kahapon ay ang mga e-examin ngayon.
Pagdating ko sa classroom nakahiwalay na ang mga bangko. Tig-kakalahating dipa siguro ang space. Siguradong kita ng teacher kapag mangongopya ka sa katabi mo kaya talaga namang mapipilitan ka talagang mag review tuwing exam.
"Zoila." tawag ni Cerene sa akin.
Itinuro niya pa ang katapat ng inuupuan niya. Nakalagay doon ang bag niya at tinanggal niya rin naman ng makalapit ako.
"Nagreview ka?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya ng alanganin sa akin at umiling ng bahagya.
"Andiyan ka naman. Alam kong hindi mo ako pababayaan." aniya at ikinawit sa braso ko ang braso niya.
"Namimihasa ka na. Paano na lang kapag senior high na tayo?" pangaral ko sa kanya.
"Syempre mag-aaral na 'ko. Just this one. Promise magrereview na ko next grading." she said while pouting.
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko matitiis si Cerene. She's my bestfriend, afterall.
"Sige. Dating gawi." bulong ko sa kanya.
Hindi nagtagal dumating na ang adviser namin dala-dala ang mga test paper namin. Nag-umpisa agad ang exam.
MAPEH ang una. Mabilis akong nakapag sagot dahil multiple choice naman 'yon. Twenty minutes lang yata tapos na ako sa 60 items. Pasimple akong kumuha ng pinunit kong papel kanina sa notebook ko. Kapag ngayon ko pa pupunitin ay maririnig ni Ma'am ang gagawin kong pagpunit dahil sa sobrang katahimikan.
Isinulat ko ang mga sagot ko sa papel at isinilid na bulsa ng palda ko.
"Ma'am, may I go out?" paalam ko.
BINABASA MO ANG
Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETED
General FictionReality Series #1: Two Red Lines Zoila Ysabel Alvarez got pregnant at the age of 15, while her boyfriend, Donovan Haze dela Vega, had just reached his legal age. What to do? Started: May 17, 2020 Ended: July 17, 2020 The Photo of Story Cover is not...
![Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/225600753-64-k439295.jpg)