Chapter 7

541 7 0
                                        

Chapter 7

"Zoila, Lean's inside." napakunot noo naman ako dahil sa sinabi ni Mama.

Lean is inside our house? What is he doing here? Sabagay, sinabi ko naman sa kanyang pwede siyang pumunta dito sa bahay. Naisip ko na naman tuloy ang sinabi ni Cerene. That Lean likes me.

I automatically wiped out that thought in my head.

Kung sakali man na may gusto man siya sa akin. I will tell him that we should stay being friends. Ayaw kong mabalewala ang pagkakaibigan namin. I don't want to avoid him. Ayaw kong magaya kami sa ibang magkaibigan na nasisira ang friendship dahil nagkagusto ang isa.

Pagpasok pa lang maririnig mo na agad ang tawanan.

Papa and Lean were happily talking about something while watching a movie in our living room.

Sana kapag nakilala ni Papa si Donovan maging ganyan din sila ka-close but not now. Hindi pa ako handang ipakilala siya sa parents ko.

"Lean, nandito na si Zoila." pagsingit ni Mama sa masayang pag-uusap ni Papa at Lean.

Lean are also close to my parents. Since we were kids lagi na siyang nakatambay dito sa bahay at nakikipaglaro sa'kin. Habang lumalaki nga lang kami ay naging busy na sa studies kaya hindi na siya nakakapunta dito masiyado.

"Hi." Lean greeted me and give me a charming smile.

"Hello." bati ko sa kanya.

"Hi, Pa." I greeted him too. Nagbeso din ako sa kanya.

Napatingin be ulit ako kay Lean o mas tamang sabihing sa suot niya. Hindi pa siya umuuwi sa kanila. He's still wearing our school uniform.

"Miss mo na ba talaga ako? Hindi ka umuwi, a." asar ko sa kanya.

Napakamot naman siya sa batok niya na parang nahihiya.

"I'll just go to my office, hijo. I think you and my daughter really need to catch up." Papa said and he leave me ang Lean in our living room.

"Sige po, Tito." magalang na sabi ni Lean. Papa just patted his shoulder and gave a small smile before he leave.

"So? What brings you here?" I asked Lean.

Nakapameywang pa ako habang nasa harapan niya. Prente naman siyang nakaupo sa aming couch. Feel at home na feel at home.

"Miss ko na childhood friend ko. Hindi mo ba ko namiss?" he asked and make a sad face.

Tinawanan ko naman siya dahil sa sinabi niya.

"Oh Lean, heto magmeryenda ka muna. Kabe-bake ko lang niyang cookies." biglang sumulpot si Mama.

"Naku Tita! Na-miss ko ng kumain ng cookies na gawa niyo." pambobola naman niya kay Mama.

"Naku! Ikaw na bata ka. Lumalaki kang bolero." sagot naman ni Mama.

Mukhang nagkakatuwaan sila kaya mas mabuting magpalit muna ako ng damit para maging kumportable ako. Naka-uniform pa rin kasi ako.

"Ma, Lean. I'll just go upstairs magbibihis lang ako." paalam ko sa kanila. They just nodded.

Habang nagbibihis ako ay naalala ko si Donovan. Pansamantala siyang nawala sa isip ko. Am I a bad girlfriend now? Nagkatampuhan nga pala kami at itinanggi ko pa siya kay Mama though hindi naman niya alam 'yon. I feel guilty about it.

Simpleng pambahay lang naman ang suot ko. A plain pastel color over size shirt and black shorts.

Sinuklay ko din ng kaunti ang buhok at bumaba na ako. Baka naghihintay na si Lean. Baka naiinip na siya doon.

Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon