Chapter 35
"Mommy, are you done? Daddy's outside na" Zaze shouted while I'm inside the bathroom.
"Five minutes, baby. I'll be there" sigaw ko pabalik para marinig niya.
It's been three months since Donovan and I talked. Back to basic ang nangyari. He said he will court me again.
"I will earn your trust again. I'm going to court you." determinadong sabi niya.
Pinabayaan ko na lang siya. Hindi ko pa siya sinasagot kasi kahit hindi ko naman siya sagutin parang kami na rin naman at humahanap pa ako ng tamang tiyempo.
He just need my confirmation. Sa birthday ko, I'm going to say 'yes' to be his official girlfriend. We're taking it slowly but surely.
Hindi naman ganoon kadali 'yon. Pitong taon siyang nawala and by now I'm currently studying on med school. Sa tingin ko mas maganda muna ang ganitong set-up.
Kahit hindi pa kami sa iisang bahay nakatira parang di na rin naman siya nakatira sa bahay namin. Dito siya natutulog three or four times a week. After work dito rin siya dumidiretso para makasama at maka-bonding ang anak namin.
"Finally! Mommy" nakapout na sabi ni Zaze.
He's so cute. Mayroong Family Day ngayon sa school niya. He's so excited because finally. We're complete family on that event.
Nasa sala sila habang nanonood ng movie na pambata.
"Let's go?" tumayo na si Donovan at ganoon din si Zaze.
Habang palabas kami ay hinapit ako ni Donovan palapit sa kanya at pinalibutan ng kanyang braso ang maliit kong baywang. Bahgya niya ring hinalikan ang aking sintido.
"Your t-shirt looks good on you" bulong niya sa'kin, parang nang-aakit ng boses niya.
Pare-pareho kami ng kulay ng damit. I'm wearing light blue v-neck t-shirt at sa harap naman ay may nakatatak na isang pamilya na magkahawak kamay. Nasa kaliwa ang babae, nasa gitna ang anak at nasa kanan ang lalaki. They walking to a heart rate line.
Sa likod naman ng suot naming t-shirt ay may nakalagay na 'Mommy sa'kin, kay Donovan syempre 'Daddy' at kay Zaze naman ay 'Son'.
"Mommy, Daddy it's not loving loving time. I don't want to have a siblings for now" ani Zaze at nagpout. Napakalas naman ako bigla kay Donovan.
Sino ang nagturo sa anak ko ng ganyan?
"Zaze! Sinong nagturo sa'yo niyan?"
"Who taught you that? " sabay naming tanong ni Donovan.
Nagpout pa lalo ang anak ko dahil sa itinanong namin at napayuko.
"Si Papa Lean po. He said if Daddy kiss you pigilan ko daw po kasi you'll get pregnant and have another baby. I don't want another baby yet. I'm just my Mommy and Daddy's baby" nakayuko niyang sabi.
"That asshole!" inis na bulong ni Donovan sa tabi ko.
He and Lean are casual to each other. Hindi pa rin maiiwasan ang iringan nila tuwing magkikita sila kaya lagi akong pumapagitna.
Yung lalaking 'yon kasi ang hilig asarin si Donovan. Ito namang isa mabilis mapikon.
Habang nasa biyahe kami papunta school ni Zaze na dati ko rin naming school ni Donovan ay pinalalahanan ko siya na huwag makikinig sa mga kalokohang sinasabi ni Lean.
BINABASA MO ANG
Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETED
General FictionReality Series #1: Two Red Lines Zoila Ysabel Alvarez got pregnant at the age of 15, while her boyfriend, Donovan Haze dela Vega, had just reached his legal age. What to do? Started: May 17, 2020 Ended: July 17, 2020 The Photo of Story Cover is not...
![Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/225600753-64-k439295.jpg)