Chapter 3

771 14 0
                                        

Chapter 3

Grounded means no gadgets and less allowance. Lahat ng luho na meron ako, wala na. It's okay though, atleast napasaya ko si Donovan sa regalo ko sa kanya.

Malungkot ako habang pababa ng hagdan. Nakasuot na ako uniform. Ready ng pumasok.

Pagdating ko sa dining nag-uumpisa na silang kumain. Nag-uusap rin sila about work.

"Goodmorning baby." nakangiting bati ni Mama.

Bumeso muna ako sa kanya pati kay Papa kahit medyo masama ang loob ko. I understand that it's my fault pero kailangan pa ba talagang i-grounded ako?

Umupo na ako at nag-umpisa na akong kumain. My parents are still talking about their work pero hindi ko alam kung bakit napapunta sa akin ng topic.

"Zoila, give me your key before you leave." panimula na naman ni Papa. Tinutukoy niya ang susi ng Mio.

"O-Okay po, I'll give it you po after I leave the house." magalang na sabi ko.

"One more thing Zoila, don't do it again." aniya sa mahinahon na boses. Hindi kagaya kahapon na laging nakasigaw.

Tumango lang ako sa sinabi niya.

Alam ko namang mauulit at mauulit pa rin 'yon. Hindi na nga lang ako magpapahuli.

Pasaway ka talaga Zoila!

"At tsaka dumating na ang report card mo. Your grades are low. It's not you." dagdag na naman niya.

"Mag-aral ka ng mabuti. Hindi kita pinapaaral sa magandang eskwelahan  para lang magbulakbol." patuloy pa rin siya.

Ako naman ay patuloy pa rin sa pagkain. 'Di alintana ang mga sinasabi niya.

I'm too guilty para ipagtanggol ang sarili ko sa mga sinasabi ni Papa.

"Arnold kumakain ang bata. Don't pressure your daughter." pigil na naman  ni Mama kay Papa.

Binigyan lang ako ng ngiti ni Mama at tiningnan niya ako. Alam ko na ang ganyang tingin.

Tinging sinasabing huwag kong pakinggan si Papa. That Papa only want the best for me.

I do understand my Papa pero masyado siyang mahigpit. Yes, given na only child ako but he's gone too far. Masyado ng nakakasakal ang paghihigpit niya.

"Tapos na po ako." I said pagkatapos na pagkatapos kong isubo ang huling kutsara ng kinakain ko.

I bid my goodbye to them. Binigay ko rin ang susi ng Mio ko kay Papa.

Napapabuntong hininga naman akong naglakad palabas ng exclusive subdivision na tinitirhan namin.

Walang tricycle o pedi cab man lang dito. Mabuti nga at hindi kami kalayuan sa may kalsada.

Paglabas ko ng subdivision napangiti ako ng makita ko ang nakatalikod na bulto ng lalaki.

Likod pa lang niya kilala ko na.

Donovan.

Simula ng niligawan niya ako lagi na niya akong hinihintay dito. Kahit ngayong kami na ay ganito pa rin siya.

Napakamaalaga. Hindi lang mukha ang maipagmamalaki sa kanya pati ang kanyang ugali but I don't have enough guts para ipakilala ko siya sa parents ko.

Actually he's my first boyfriend and my first in everything. At hindi ako nagsisisi na sa kanya ko binigay ang pinakaiingatan ko. I trust him enough and our one and a half year relationship.

"Hi baby, goodmorning." bati niya sa akin.

"Goodmorning din baby." masayang sabi ko.

Nawala na ang lungkot ko kanina. Siya talaga ang happy pill ko. Makita ko lang siya buo na ang araw ko.

Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon