Warning: Mature Content. Read at your own risk. Not suitable for minors.
Chapter 11
"Let's go?" Donovan said and hold my hand before we leave his house.
Ni-lock niya muna ang pinto and we went to his garage. Magkokotse kami? Bihira lang naman niyang gamitin ang kotse niya lalo na kapag kasama niya ako.
"Kotse tayo?" I asked umiling naman siya at itinuro ang katabi n'on.
Ngayon ko lang napansin na isang motor.
Aprilla Mana 850
"Kelan ka pa nagkaroon n'yan?" I asked. Wala rin naman siyang nabanggit sa akin
"Birthday gift ni Mommy at Daddy." simpleng sabi niya.
Hindi talaga maipagkakailang mapera sila. Lahat ng luho mayroon siya. Nasa kanya na ang lahat.
Ibinukas niya ang malaking gate at inilibas ang motor niya. Pagkatapos niyang ilabas ni-lock na niya ulit. Sumunod naman ako sa kanyang lumabas.
Nang makalapit ako sa kanya sinuotan niya ako ng helmet.
"Safety first." he said.
Nagsuot na rin siya. Umangkas na rin ako sa kanya pero nasa labas nga pala yung Mio ko.
Paano 'to? Hindi naman siguro mawawala 'to kung ilang oras lang akong mawawala.
"Donovan." I called him.
"Yes, baby?"
"Hindi ba mawawala 'yang Mio ko d'yan sa labas?" tanong ko.
Mamaya mayroon palang motornapper. Ano ba tawag sa pagkuha ng motor? Hindi ba kapag kotse carnapper. Tapos kapag helicopter at eroplano highjacker. Edi kapag motor, motornapper nga?
"No, babalik rin naman tayo in a few hours. Let's go?" hindi pa ako nakakasagot ng bigla niyang paandarin ang motor.
Sa balikat niya lang ako napahawak pero dahil sa gulat ko napayakap ako ng mahigpit sa kanya.
"Tsansing ka." natatawang sabi ni Donovan.
Hinampas ko naman siya ng isa akong kamay at ang isa ay nakayakap pa rin sa kanya. Takot ko lang malaglag.
"Don't worry hindi ka malalaglag. Sa'kin lang dapat." he said again.
Tinawanan ko naman siya.
"Corny mo." I teased.
"Mahal mo naman." bawi niya.
Hindi na ako nakaimik. Anong ipambabara ko doon? Totoo naman.
Nanahimik nalang ako habang nakayakap sa kanya. Binaon ko ang mukha ko sa likod niya. Ang bango. Bagong ligo, e. Medyo basa pa rin yung buhok niya at amoy na amoy ko rin ang shower gel niya.
Hindi nagtagal tumigil kami sa isang coffee shop. Hindi gaanong maraming tao at ang ganda ng ambiance. Nakakarelax.
"Ako na mag-ooder, my treat." inunahan na kaagad niya ako dahil akmang kukuha na ako ng wallet.
"Pwede namang ako na ang magbayad ng sa'kin." I said.
Baka ubos na agad allowance niya this week. Medyo malaki ang gastos namin kahapon sa date.
"No baby." aniya. Hinaplos pa niya ang pisngi ko.
Nahiya naman ako bigla. Tahimik kasi ang lugar. Kung titingnan mo ang paligid ay puro nagbabasa ng libro ang tao. Ang iba ay napapatingin sa amin dahil nagtatalo pa kami sa may counter.
BINABASA MO ANG
Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETED
General FictionReality Series #1: Two Red Lines Zoila Ysabel Alvarez got pregnant at the age of 15, while her boyfriend, Donovan Haze dela Vega, had just reached his legal age. What to do? Started: May 17, 2020 Ended: July 17, 2020 The Photo of Story Cover is not...