Chapter 4

25 3 0
                                    

"Debbie, are you sure youre okay?" Pilit na tanong ni Mama ngayon na nag v-video call kami. Pilit kong sinsabi na "Oo, okay lang ako" pero mukhang hindi sya naniniwala. O wala lang talaga ata syang tiwala sa akin.


"Ma, I'm okay. Nothing to worry about." Sabi ko tsaka nag-iwas ng tingin.


Ang totoo nyan, hindi naman talaga ako okay. Dahil matapos iyung nakita ko kagabi eh hindi ko napigilan ang sarili ko, kundi ang umiyak mag-damag. Kaya ngayon eh halos mugtong-mugto parin ang mata ko. At malamang iyun ang dahilan kung bakit hindi naniniwala si Mama sa mga pinagsasabi ko.


"But you seems to be super tired." Ani Mama pero nagpilit ko ng ngiti habang nag-iisip ng pwedeng idahilan.


Ayoko namang sabihin na umiyak ako dahil panigurado eh magtatanong sila kung bakit. Ayoko pa man ding magkwento lalo na't tungkol kay Ruel. Masyado akong nasasaktan kapag naalala ang pangyayaring iyun.


"Dont mind me. Dala lang to ng pag pu-puyat ko kakapanood ng k-drama kagabi." Pagdadahilan ko kaya agad na kumunot ang noo ni Mama. "Hi Kuya!" Agad na bati ko ng makita ko si Kuya Rio na dumaan.


"Hello, Sunshine. I miss you na." Sagot ni Kuya kaya naman sandali ko etong pinagtaasan ng kilay.


"I told you, stop calling me---"


"Sorry, buy I cant. Youre my Sunshine, okay?" Aniya kaya naman napangiti nalang ako dito.


"Debbie, baka naman magkasakit ka na nyan?" Biglang pagbalik ni Mama sa topic tsaka ako tinaasan ng kilay. "Pag ikaw nagkasakit dahil sa pagpupuyat mong yan o kahit na anong masamang ginagawa mo dyan talagang hindi ako magdadalawang isip na papuntahin ka dito sa France." Pagbabanta ni Mama pero walang gana akong napa-patango.


"I will make sure na hindi iyun mangyayari." Sabi ko tsaka ngumiti ng napaka-lapad. "Sige Ma, meron pa akong pupuntahan. Bye!" Tanging pagpapaalam ko tsaka agad na isinara ang laptop ng hindi sya pinapagsalita. Bahala na, ihahanda ko nalang ulit ang tenga ko para sa sermon nya sa susunod na magkausap kami.



Mahirap na baka kung ano pa sabihin nya o di kaya itanong. Baka talagang matuloy na ang paglipat ko sa France pag nagkataon. Shocks! Ayoko pa.


"Alam mo sis? Napaka bad mo." Nabaling naman ang tingin ko kay Gelo na abala sa pag-aayos ng sarili sa harap ng salamin. "Nakuha mong magsinungaling sa sarili mong magulang." Aniya kaya napangisi ako.


"Hindi ko naman gustong gawin yun eh. Anong magagawa ko? Baka tuluyan na tayong magkahiwalay pag sinabi ko ang totoo." Pagpapaliwanag ko pero tumingin lang eto sa akin ng nakapamewang.


"Anak nang! Ginamit mo pa talaga kami dyan sa mga pag-da-dahilan mo." Giit nya kaya napatawa ako ng bahagya.

"Pasensya na."

"Oh ano? Ganyan na ayos mo?" Tanong nya habang turo ng suot ko ngayon, dahilan para bigla kong maalala na magbibihis pa nga pala ako.


"Give me one sec." Sabi ko tsaka kumaripas ng takbo patungo sa kwarto para magbihis.


Ngayong gabi eh a-attend kami ng dance contest na sinamahan ni Yesha. Actually, hindi pa eto iyung mismong contest na sasalihan nila dahil sa pagkakaalam ko eh matagal-tagal pa iyun. Kailangan lang nila ng budget para sa paghahanda papuntang Korea.

Ano totoo nyan, ayokong manuod I mean, wala akong ganang manuod ngayong gabi, dahil kulang nga iyung naging tulog ko kagabi. Pero para kay Yesha, pipilitin ko ang sarili ko.


Hello, SummerWhere stories live. Discover now