Chapter 24

18 2 0
                                        

Nakaupo lang kami pareho ngayon dito sa may convenience store kung san naming napagkasunduang mag-usap. Tahimik lang sya habang ako eh sinimulan ng kainin iyung ice-cream na binili ko. Sa bahay ko sana balak kainin eto pero mukhang tunaw na eto pag nakauwi ako ng bahay. Panira kasi masyado etong Rica na'to. 'Di rin naman nagsasalita.



"Do you really love Sam?" Nahinto dahil sa unang tanong nya kaya naman diretso akong tumingin dito tsaka tumango.



"You know what? Hindi na ako magtataka kung naikwento na ako sayo ni Sam. Pero kasi, kung ano man iyung nasabi nya tungkol sakin, sa amin. Gusto ko lang ipaalam at sabihin na, mahal ko parin sya."


Ramdam ko ang biglang pani-nikip ng dibdib ko dahil sa marinig ko. Bigla iyung nag-echo sa pandinig ko. Tsk.


"Babae ka rin, at alam kong alam mo kung anong mararamdaman ko kung nagkataong ikaw ang nasa posisyon ko." Bigla kong napangisi sa kung anong pinagsasabi nya.


"R-Rica, tama?" Pag k-klaro ko tsaka umayos ng upo. "Oo pareho tayong babae, pero correction lang. Kung sakaling ako man ang nasa posisyon mo at kung sakaling totoo man yang sinasabi mong mahal mo sya, edi sana noon palang kayo na. Isang malaking katangahan iyung katotohanang minahal ka ng tao pero wala kang ginawa para ipaglaban sya." Sabi ko habang pilit na binaba-baan ang boses.


"Hindi yun ganun kadali." Aniya.


"Pwes sana alam mo rin na hindi ganun kadali na sabihin mong mahal mo sya kung ultimo ipaglaban sa magulang mo eh hindi mo magawa." Patuloy na sabi ko sa malumanay na boses. "Okay na si Summer, masaya kami."




Gusto ko ring tampalin tong babaeng to. Tanggap ko iyung mas maganda sya sakin, problema nya lang kasi utak nya nasa talampakan. Tsk. Ayoko lang mag simula ng away dito. Ayokong mag-mukhang immature kahit na gusto ko syang ibaon sa hukay.



"You didnt get it---"



"You also didnt get it." Sabi ko tsaka agad na tumayo bago nagsimulang lumakad palabas ng hindi na sya pinapagsalita at nilingon.



Pucha, totoo ba talaga iyung nangyari? Lalo na iyung narinig kong mahal nya pa si Summer. Tsk. Eh tang'na din pala sya eh.



.




Kasalukuyan kong pinagmamasdan sina Summer na nag e-ensayo. Andito ako ngayon sa studio habang pinapanood silang nag-sasayaw. Dahil nga sa wala akong ganap eh, inaya nya ako para manuod dito. Pumayag nalang din ako.



Mayamaya eh nag water break sila habang sina Summer, Yesha at iyung iba pa nilang kasamahan eh naiwang nag p-practice. Napatingin ako sandali sa relos ko, ala-una na ng hapon, at halos ilang oras narin ako dito. Wala din naman kasi akong ginagawa sa bahay dahil wala si Gelo.



Ilang sandali pa eh napatingin ako sa direksyon kung nasan si Axle na ngayon eh uminom ng tubig habang nakatingin sakin. Napansin nya rin ata iyun kaya ngumiti eto sakin. Hanggang sa makita ko ang paglakad nya papunta sa kung asan ako.



"Hi." Bati ko tsaka ulit ngumiti kaya ngumiti din sya sakin pabalik. Sandali etong naupo sa katabi ko habang pinagmamasdan sina Yesha na nasa gitna parin at nagsasayaw.



"Kayo na pala." Napatingin ako sakanya bigla dahil sa sinabi nya. "...ni Sam." Sandali akong natigilan tsaka napatango.



"Sinabi nya na sainyo?" Takang tanong ko pero napailing sya.



"Actually, sakin nya palang sinasabi. Sabi nya, tatanungin ka muna nya kung okay lang sayo na sabihin iyun saming lahat." Napatango naman ako dahil dun.



Hello, SummerWhere stories live. Discover now