Agad kong tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay ko ng maramdaman kong mahi-hikab ako. Alas-dyes na ng gabi at gising parin ako, at nakaupo sa sofa habang kasalukuyang nanunuod ng k-drama.
"I cant take this anymore. Inaantok na'ko, goodnight." Nabaling ang tingin namin kay Yesha na tumayo na nga mula sa pagkakaupo para magtungo sa kwarto nya.
"Teka, pano tong si Gelo?" Tanong ko habang nginuso si Gelo na nakahiga na sa may sahig dahil sa nakatulog narin ng tuluyan.
"Hayaan mo sya, bakla parin naman yan pag gising nya." Aniya tsaka nagpatuloy sa paglakad patungo sa kwarto nya na halatang inaantok na nga talaga.
Kaya naman natawa nalang kami pareho ni Summer na ngayon eh kumakain ng chips. Matapos kasi iyung naging pag-uusap namin kanina eh dito na sya tumambay, dito narin sya nag-dinner kaya eto nilulubos-lubos nya na ang pagtambay dito.
"How bout' you? Not sleepy yet?" Tanong nya sakin pero napailing ako.
"Tatapusin ko pa etong isang episode." Sabi ko pero bigla naman nagtaas ang kilay nya.
"Seriously? How do you enjoy watching that? You cant even understand what they were saying. Kilig na kilig ka pa." Tinaasan ko naman eto ng kilay dahil sa sinabi nya.
"Are you kidding me? Hello. Lee Min Ho. My ultimate crush." Sabi ko tsaka napangiti ng todo.
"Tsk. I'm way better good looking at that guy." Napangisi ako bigla dahil sa sinabi nya.
"You wish." Pareho nalang kami natawa dahil sa pag-uusap naming iyun.
Ilang sandali pa habang patuloy kami sa panunuod eh bigla kong naalala iyung babaeng nakita kong kausap nya netong mga nakaraan. Hanggang ngayon hindi ko alam kung sino at ano nya iyun.
"Hmm. Sigurado ka bang walang maghahanap sayo? Gabi na ah." Sabi ko kaya naman napailing eto habang payuloy sa pagkain.
"Wala sa condo si Rain." Sagot nya habang hindi inaalis ang tingin sa TV.
"Eh, girlfriend. Baka hinahanap ka ng girlfriend mo." Kita kong natigilan sya matapos kong sabihin ang mga salitang iyun.
"So, you think I have a girlfriend?" Tumango ako habang nakagat ang pang-ibabang labi. Pero kumunot ang noo ko ng bigla etong natawa habang napapailing. "Pano mo naman nasabi na meron nga akong girlfriend?"
"Eh diba yung babaeng kausap mo nung nakaran dun sa mall... tsaka dun sa restaurant. Diba girlfriend mo yun?"
Napangisi sya bigla. "So youre spying on me?"
"No." Agad na agap ko tsaka napaiwas ng tingin. "Hindi kaya, coincidence lang yung nakita kita." Dagdag ko pero napailing ulit eto tsaka napasandal. Mukhang napagod marin sya sa pagtawa.
"Iyung babaeng tinutukoy mo, that was Rica." Panimula nya habang diretsong nakatingin sa TV. "Shes not really my girlfriend, I mean.. shes my girlfriend but---"
"Ha?" Takang tanong ko. Ang gulo masyado. "Pwede mo namang sabihing Oo o hindi eh." Sandali etong nahinto tsaka napalunok sa di ko alam na dahilan.
"To be honest.. yeah I courted her, for almost like two years or something" Hindi ko alam at bigla atang may kumurot sa puso ko ng marimig iyun mula sakanya. Totoo nga, merong something sakanila.
"And then, k-kayo na?" Ang totoo nyan, kinakabahan ako sa magiging sagot mya na hindi ko alam kung bakit
"Yeah, I mean no yes---no I.. I guess."
YOU ARE READING
Hello, Summer
Teen FictionIts summer already. But, why did it end up so fast? Hello, Summer 060820-080620 (Ps. The photo used in the cover isnt mine. Credits to the rightful owner)