Chapter 1

125 8 0
                                    

"You already miss them, right?" Natauhan ako ng marinig iyun mula sa kaibigan kong si Angelo na ngayon eh meroon ng dalang milk tea. Sandali etong naupo sa katapat kong upuan habang hinihinatay ang sasabihin ko.

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang larawan na ipinadala sa akin ni Mama kani-kanina lang. Kaya naman hindi ko maiwasang hindi malungkot habang pinagmamasdan ang litratong ngayon ay hawak ko.

Ngayon eh nasa Paris sila habang ako eh naiwan dito sa Pilipinas. Nakaka-lungkot man isipin na malayo ako sakanila, pero isa rin naman kasi eto sa kagustuhan ko, ang manatili dito sa bansang kinalakihan ko.

Andito ang buhay ko kaya mas gugustuhin kong manatili dito kahit na hindi maiwasang malungkot paminsan-minsan.

"Yeah, so much." Sabi ko tsaka ulit pinagmasdan ang picture. Mahigit tatlong taon ko narin kasi silang hindi nakakasama mula nung grumaduate si Kuya at napagdesisyunan na sa Paris na maghanap ng trabaho.

"Eh ayun naman pala eh. Bakit hindi ka pa sumunod sa kanila sa Paris?" Tinaasan ko ng kilay si Gelo dahil sa sinabi nya.

"At ano? Ganun-ganun lang, maninirahan ako sa bansa na hindi ko naman kinasanayan? Ayaw nyo na ba akong makita?" Tanong ko pero agad ako netong inirapan.

"Hindi yun ganun, sis. OA karin masyado eh noh." Aniya tsaka sumipsip sa iniinom nyang milk tea.

Alas-kwatro palang ng hapon at andito parin kami sa school, ang totoo nyan eh kanina pa kami nag dismiss, kaya dapat eh nasa studio na kami para sunduin si Yesha, ang isa ko pang kaobigan. Pero pinilit ko si Gelo na manatili dito kahit ilang minuto lang.

Mayamaya natigilan ako ng makita ko na nga ang taong kanina pa hinahanap ng aking mata. Agad naman akong napatayo mula sa pagkakaupo tsaka kinuha ang box na nasa bag ko.

"Huy bakla! San ka pupunta?" Takang tanong ni Gelo pero nginuso ko si Ruel na abala sa pagbabasa habang naglalakad. At mukhang na-gets din nya kaagad ang gusto kong iparating kaya nanahimik nalang sya.

Sandali akong nagpakawala ng malalim na paghinga tsaka sya nilapitan.
"Hi!" Bati ko kay Ruel ng maharang ko ang dadaanan nya. Halatang nagulat din eto dahil sa ginawa ko pero agad etong ngumiti sa akin ng makita ako.

"Debbie." Bati nya kaya ngumiti ako lalo. Hays. Bakit ba napaka-gwapo mo?

"Ahm. Sya nga pala eto oh, p-para sa'yo." Ngiting-ngiti kong sabi habang inaabot ang box na naglalaman ng bi-nake kong brownies kagabi.

Sandali nya etong pinagmasdan ang box na hawak ko bago iyun kinuha na halatang may pag-alinlangan.
"S-salamat, Deb." Aniya na halatang nagpipilit ng ngiti. "Pero kasi Shine, hindi ka na sana nag abala pa. Nakakahiya naman sa'yo eh." Bigla naman akong napailing dahil sa sinabi nya.

"Ano ka ba naman, okay lang yun nuh. Para talaga yan sa'yo." Sabi ko pero nag-iwas eto ng tingin sa akin.

"D-Debbie.." Pagtawag nya sa pangalan ko kaya nag-angat ako ng tingin. "Diba, nasabi ko naman sa'yo.. mahal kita. Pero hindi sa paraang tulad ng nararamdaman mo sa akin." Natigilan naman ako dahil sa sinabi nyang iyun.

Hindi ko ba maintindihan. Kung tutuusin ilang beses ko ng narinig ang salitang iyun nula sakanya, pero sobrang sakit parin. At eto naman ako, nag pa-pakatanga at umaasang magbabago ang nararamdaman nya para sa akin.

"A-alam ko naman yun eh." Sabi ko tsaka nag pilit ng ngiti, kahit na dito sa kaloob-looban ko eh durog na durog na ako. "Ginawa ko yan kasi.. kasi kaibigan kita." Sabi ko habang napa-palunok. Kaya agad akong tinapik ni Ruel sa balikat at ngumiti.

"Ru!" Nabaling ang tingin naming pareho sa kung sino ng tumawag sakanya. Pero natigil ako ng makita ko na si Cheska iyun, classmate ko noobg highschool. "Oh! Hi Debie!" Bati neto sa akin ng matungo ang kinatatayuan namin ni Ruel. Pero ngumiti lang ako.

Hello, SummerWhere stories live. Discover now