"Kanina ka pa nakatulala dyan." Napatingin ako kay Gelo na ngayon eh inilapag ang in-order kong shake bago eto na-upo sa kaharap kong upuan.
Pero dahil sa wala akong gana magsalita eh sandali akong napasinhap bago nagsimula nalang akong uminom ng in-order ko habang nakatingin sa kawalan.
Matapos kasi iyung naging pag-uusap namin ni Ruel kagabi eh hindi na naman ako masyadong nakatulog. Dahil sa kaiiyak eh nasa tatlo o dalawang oras lang ang naging tulog ko. Wala naman akong ginawa pero pakiramdam ko napaka bigat ng dinadala ko. Kaya imbis na mag muk-mok sa bahay eh andito ako naka-upo habang makikipag-titigan sa kawalan. Kesa magkulong ako sa bahay, edi lalo akong nabaliw nun.
"Tungkol ba eto dun kay.. Ruel?" Sandali akong nag-angat ng tingin dahil sa sinabi nya dahilan para maalala ko lahat ng nangyari kagabi. "Hay naku, sinasabi ko na nga ba. Anong ginawa nya sayo? Meron ba syang sinabi o ginawang masama? Ano upakan ko na---"
"Tumigil ka nga." Agad na suway ko kay Gelo. Apaka OA din ng baklang 'to eh. "Wala syang ginawa o sinabing masama sakin. Masyado lang akong maraming iniisip. At Oo, kasama si Ruel dun. Pero kung ano man iyun, para narin sakin yun." Malumanay kong sabi tsak nagpatuloy sa pag-inom.
"Naisip ko lahat ng sinabi nyo ni Yesha netong nakaraan. At tama kayo, kaya kahit na mahirap susubukan at pipilitin ko." Ngumiti naman sakin si Gelo tsaka hinagod ang balikat ko na halatang pinapakalma ako.
"Huwag kang mag-alala. Andito lang kami ni Yesha. Tutulungan ka namin." Aniya kaya tumango ako tsaka ngumiti ng pilit.
Sobrang nakaka-asar lang. Bakit ba kailangan ko pang danasin ang bagay na eto. Bakit ba kasi sa napaka daming tao sa mundo eh kay Ruel pa ako magkakagusto. Sa lalakeng wala namang pakealam sa kung nong nararamdman ko. Na kahit kelan eh hindi ako magagawang mahalin.
Ilang sandali pa eh nagpaalam narin sakin si Gelo na babalik na 'daw sya sa counter para magtrabaho kaya naiwan ulit ako dito habang patuloy sa pag-inom ng shake at pinagmamasdan ang mg sasakyan na nagdadaanan sa labas netong cafe.
Pero bigla akong natigilan ng may kumaway mula sa labas kaya naman agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa pagkagulat. Kita kong natawa si Axle na syang kumakaway mula sa labas kay naman bahagya akong natawa kahit na gusto ko syang kutusan ngayon.
Mayamaya eh nagsimula na syang lumakad papasok dito tsaka nagtungo sa kung nasan ako ngayon. May sinenyasan rin syang isang lalake sa may counter bago tulyang naupo sa katapat kong upuan. Hindi man lang ba sya magpapa-alam muna sakin? Tsk. Di bale na nga.
"Hi." Bati nya habang lalong lumapad ang ngiti kaya ganun nalang din ang ginawa ko dahil wala nga akong ganang magsalita. "Teka, umiyak ka ba?" Agad naman akong napailing dahil sa itinanong nya tsaka nag-iwas ng tingin.
"Hmm. Napuyat lang ako kakapanood ng k-drama kagabi." Pagsisinungaling ko tsaka patuloy na nag-iwas ng tingin.
Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na umiyak nga ako dahil paniguradong marami syang itatanong. Ayoko pa man ding magkwento. Maiiyak lang ako nun.
"Ganun ba." Aniya habang napa-pa-tango. Mayamaya may lumapit sa kanyang lalake, iyung sinenyasan nya kanina tsaka inilapag ang isang muffin at chocolate shake.
"Sya nga pala, iyung tungkol sa pag-turo ko sayo ng sayaw." Nahinto ako bigla dun tsaka sandaling napa-isip. Hindi ko pa nga pala nasasabi sakanya iyung tungkol sa pag-turo sakin ni Summer.
"Ahm. Axle, ang totoo kasi nyan. Ti..nuturuan na ako ni Summer." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko matapos sabihin ang mga salitang iyun.
YOU ARE READING
Hello, Summer
Teen FictionIts summer already. But, why did it end up so fast? Hello, Summer 060820-080620 (Ps. The photo used in the cover isnt mine. Credits to the rightful owner)
