"Debbie!" Bigla akong natigil ng marinig ang pagtawag sa akin ng kung sino. At alam ko, at hinding-hindi ako pwedeng magkamali. Sigurado akong galing iyun sa pinakamamahal kong si Ruel.
"Hi." Bati ko ng makaharap na eto sa akin na halos may makapunit na ngiti. Bigla ko tuloy naalala iyung nakita ko sa facebook.
Kaya siguro napaka-aliwalas ng awra nya ngayon dahil dun. Eh sino ba nga naman ang hindi sasaya kapag sinagot ka na ng mahal mo, kuno.
Andito kami ngayon sa mall dahil kakatapos lang naming manuod ng sine. Kagabi kasi eh, napag-usapan namin ng mga kaklase ko na lumabas ngayong araw. Mag-iisang linggo narin kasi kaming hindi nagkikita-kita dahil nga sa bakasyon na.
Nung una, ayoko pa nga sanang sumama dahil alam kung makikita ko si Ruel at alam kong lalo kong maaalala iyung tungkol sakanila ni Cheska. Pero tanga na nga talaga at ako eh. Nasaktan na ako't lahat pero nakuha ko parin syang ma-miss. Tsaka isa pa, wala naman akong gagawin sa bahay dahil mag-isa na naman nga ako.
Kanina pagdating ko dito eh sya kaagad una kong nakita. Sinubukan ko pa nga syang iwasan pero hindi ko rin magawa. Kaya ngayon eh magkausap na naman kami.
"Hmm. Sya nga pala. Nabalitaan mo na ba iyung tungkol sa amin ni---" Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita at kaagad na tumango. Kailangan talagang ipagdiinan?
"Oo, nakita ko nung isang araw." Sagot ko tsaka napakamot sa batok habang nag-iwas ng tingin. "Congrats, stay strong sainyo." Sabi ko kaya naman lalo etong ngumiti sa akin
"Salamat, Shine." Aniya kaya ngumiti nalang din ako. Kung alam mo lang talaga Ruel kung anong tunay kong nararamdaman.
Ilang sandali pa eh nagpaalam narin sa amin iyung mga kaklase namin na uuwi na raw sila. Nasa mahigit limang oras na din ata kaming nagkasama ngayon araw at alas-kwatro na ng hapon at andito parin kami.
Gusto ko na nga rin sanang umuwi pero hindi ko magawa dahil kasama ko pa si Ruel. "Ru, hindi ka pa uuwi?" Tanong ko sakanya pero napailing eto.
"Hindi pa naman. Bakit? ayaw mo na ba akong makasama?" Gustong-gusto. Kung pwede nga lang sanang iuwi kita ginawa ko na.
"Hindi naman sa ganun. Tinatanong ko lang." Sabi ko tsaka ngumiti ng awkward. Ewan ko ba, matapos iyung araw na sinagot na nga sya ni Cheska eh bigla nalang nag-iba pakiramdam ko sa tuwing kausap sya.
"Alam mo? Dahil na-miss kita mangli-libre ako." Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Ano, ayaw mo ba?" Tanong nya pero napailing ako.
"Syempre gusto." Agad na sabi ko tsaka sya kinalabit kung san kami pwedeng bumili ng makakain.
Ang totoo nyan, masakit mang isipin na hindi nga ako iyung babaeng kayang mahalin ni Ruel, pero masya na rin ako kahit papano dahil kahit na alam nyang may gusto ako sakanya nagawa nya paring maging polite sa akin. At masaya na ako dun kahit papano.
"Ru, Anong nagustuhan mo kay Cheska?" Tanong ko habang kinakain ang shawarma na libre nya sa akin. Sandali naman etong napaisip tsaka tumingin sa akin.
"To be honest, hindi ko alam. I mean, basta isang araw nagising nalang ako na mahal ko na sya." Bahagya namang tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi nya.
"Hindi kaya ginayuma ka?" Pabulong kong sabi kaya naman tiningnan nya ako ng may pagtataka sa mukha. "Ang sabi ko, ano ahm. g-ganun ba." Pagpapalusot ko tsaka naman etong napatango.
Ewan ko ba, hindi ko alam kung paniniwalaan ko sya sa naging sagot nya. Talaga bang totoo ang dahilan na yun? Na isang araw magigising ka nalang na mahal mo na ang isang tao. Tsk. Napaka cheezy naman nun.
YOU ARE READING
Hello, Summer
Teen FictionIts summer already. But, why did it end up so fast? Hello, Summer 060820-080620 (Ps. The photo used in the cover isnt mine. Credits to the rightful owner)