Netong sumunod na araw, hindi nagparamdam sakin si Summer. Maging text o tawag mula sakanya eh wala akong nakuha. Kaya ako na etong gumawa ng paraan. Tinext ko sya at tinawagan pero hindi nya sinasagot o kaya kahit reply sa mga text ko.
Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko syang maka-usap. Marami akong gustong sabihin, at itanong. Kasama na dun iyung tungkol sa nangyari sa bar pati narin etong hindi nya pagsagot sa mga tawag at text ko.
Pero naguguluhan ako sa tuwing naaalala ko iyung nangyari dun sa bar, eh hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong napapangiti at kinikilig na hindi ko maintindihan. Ganun nga ata talaga ang tama kapag hinalikan ka ng crush mo.
Idinikit ko sa tenga ko ang phone ko habang hinihinatay at umaasang sasagutin nya ang tawag ko. Akala ko hindi nya na naman ulit nya iyun sasagutin, pero sinagot ng nya.
Hinintay ko ang pagsalita nya pero mukhang wala etong balak magsalita kaya sinimulan ko na. "Hi." Sabi ko habang hinihinatay ang sasabihin nya. Sinubukan kong mag-isip kubg anong kasunod kong sasabihin dahil mukhang wala syang balak magsalita.
"Uhm. M-meron ba tayong practice ngayon?" Nagbabakasakali kong tanong. Pero napairap ako ng wala ulit akong makuhang sagot. Akmang puputulin ko na sana ang tawag ng bigla kong marinig ang pagtikhim neto.
"Meron, punta ka nalang dito sa garage." Rinig kong sabi neto sa may malumanay na boses. "Sorry, hindi kita masu-sundo." Napatango ako kahit na alam kong hindi nya iyun nakikita.
"Sige, pupunta nalang ako." Sabi ko tsaka tuluyang ine-end ang tawag habang ramdam ko ang biglang pagngiti ko.
Agad akong nag-ayos ng sarili ko. Sa sobrang excited eh hindi na ako masyadong nag-ayos ng sarili ko. Nagpaalam narin ako kina Yesha, hindi narin sila nagtanong masyado kaya mabilis akong nakasakay ng taxi. Hindi ko maintindihan kung bakit para atang excited ako ngayon na magkikita kami. Dahil talaga nga namang nae-excite ako.
Tsk. Gusto ko lang syang makausap, marami akong gustong itanong sakanya. At kailangan ko ng kasagutan.
Makalipas ang ilang minutong byahe eh nakarating narin ako sa tapat ng bahay nung lola daw nya. Sandali akong nagpakawala ng malalim na paghinga havang inaayos ang straps ng bag tsaka nagsimulang lumakad patungo sa garage.
Kumatok ako ng ilang beses dun sa pinto, mayamaya eh napansin ko ang pag bukas nun kaya umayos ako ng tayo, at bumungad nga sakin si Summer. Gulat ako matapos makita ang aura nya ngayon. Nakasuot lang sya ng oversized shirt na merong naka-print na isang anime character, tsaka khaki shorts at tsinelas, gulong-gulo din ang buhok neto na parang hindi sinuklay.
"C-come in." Aniya tsaka ako pinagbuksan ng pinto. Sandali akong tumango tsaka tuluyang pumasok. Inilapag ko ang bag ko sa upuan tsaka nagtungo sa katabi nya na nakatayo na ngayon habang tinitingnan ang repleksyon sa salamin.
Pansin kong nag-iisip eto, habang ako eh kating-kati na ang bibig dahil sa mga tanong na nakapaloob dito sa isipan ko. Hindi naman maganda na iyun kagad ang ibu-bungad ko, kaya humahanap lang ako ng tyempo para simulan ang topic na iyun.
Mayamaya kita kong bigla etong napasinghap tsaka nagtungo sa isang sulok habang nagsalin ng tubig sa baso bago nya iyun ininom. Hanggang ngayon ang weird parin nya, ng inaakto nya. Hindi ko alam kung galit ba sya dahil hindi sya umimik, o sadyang ayaw nya lang akong makausap.
"Summer..." Pagtawag ko dito kaya sandali syang nahinto bago nag-angat ng tingin, habang hinihinatay ang kasunod na sasabihin ko. "Tungkol dun sa... nangyari nung nakaraan... sa bar." Hindi ko na napigilan ang sarili kong simulan ang topic na iyun.
YOU ARE READING
Hello, Summer
Teen FictionIts summer already. But, why did it end up so fast? Hello, Summer 060820-080620 (Ps. The photo used in the cover isnt mine. Credits to the rightful owner)