Chapter 26

13 3 0
                                    

"Grabe, busog na ako." Sabi ko habang napapahawak sa tyan ko at in-unat ang kamay tsaka tumingin kay Ruel na natawa lang.

Andito na kami ngayon ni Ruel sa labas dito sa may mga street foods. Pagkatapos na pagkatapos kasi namin na maka-kain sa restaurant eh inaya nya ako dito. Hindi na sana ako papayag dahil busog na ako pero pinilit nya parin ako lalo na't libre nya lahat.


Pumayag nalang din ako dahil, unang-una gusto ko syang makasama, pangalawa hindi talaga dumating si Summer. Tsk. Naalala ko tuloy bigla ang lalakeng yun.


"Busog ka na kaagad, eh samantalang wala pang sampong piso na gagastos mo." Aniya pero natawa lang ako.

Kahit papano eh hindi ko naramdaman iyung lungkot. Na hindi nga pumunta si Summer, pero andiyo naman si Ruel. Hindi ko ine-expect na magkikita kami ngayon, at magkakasama ng ganito.

Actually, masaya ako hindi lang dahil sa magkasama kami ngayon, kundi dahil narin sa pakiramdam ko bumalik ulit kami sa dati. Iyung normal na pag-uusap at pag-kukulitan na kahit na alam nyang may gusto ako sakanya eh walang ilang na nararamdaman. 


"Salamat." Panimula ko tsaka sya tiningnan. "Salamat kasi, andyan ka."

Ngumiti sya tsaka hinawakan ang kamay ko. "Walang ano man... basta ikaw." Sabi nya, kaya naman hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang syang niyakap dahil sa sinabi nya.


Gusto kong maiyak sa mga oras na eto dahil sa halo-halong dahilan. Gusto ko lang manatili sa pagkakayakap sa kanya dahil iyun ang kailangan ko. Kasi ngayon, natatanggap ko na, na talaga ngang hindi sya para sakin, na hindi kami para sa isa't-isa. Pero kahit na ganun, hindi maiaalis kung anong meron samin, kung san kami nagsimula. At yun ay ang pagkakaibigan.


Umabot din ata ng ilang minuto ang pagkakayakap ko sakanya hanggang sa magpaalam narin sya sakin. Ihahatid nya sana ako pero ako na etong tumanggi. Ayoko ng maabala pa sya, lalo na't marami na syang nagawa para sakin ngayong araw.


Ng tuluyan na syang makaalis, sandali akong nagpakawala ng malalim na paghinga tsaka ngumiti bago tumalikod para mag-abang ng masasakyan. Pero, agad akong nahinto matapos makita ang lalakeng ngayon eh seryosong nakatingin sakin habang nakalagay ang kamay sa magkabilang bulsa.


Hindi ko alam kung anong mararamdaman at gaawin ko sa mga oras na eto habang pinagmamasdan ko ang boyfriend ko. Kaya sandali akong napangisi tsaka nagsimulang lumakad. Akmang lalampasan ko na sana eto ng maramdaman kong hawakan nya ang braso ko dahilan para mai-lapit sakanya.


"Aray! Ano ba?" Singhal ko habang pilit binabawi ang braso ko mula sa pagkakahawak nya pero hinigpitan nya iyun lalo. Magsasalita palang sana ako pero inunahan nya na ako.


"Tama ba iyung nakita ko?" Panimula nya. "Tama ba na nakita kong kasama ng girlfriend ko iyung lalakeng iyun?" Taas kilay na tanong nya dahilan para bahagya akong mapangisi.


"Girlfriend?" Naka-ngising sabi ko habang napapailing. "Tayo pa pala."


"Hindi ako nakikipagbiruan."

"Bakit? Sa tingin mo ba nakikipagbiruan ako sayo?" Mariin kong sabi, kaya kumunot ang noo neto habang sandaling napahilamos sa kanyang palad.


"Eh kung ganun, ngayon mo sakin sabihin kung anong ibig sabihin nun? Kung anong ibig sabihin ng nakita ko?" Aniya habang dinuduro iyung direksyon kung saan nya kami nakita.


"Gusto mo akong magpaliwanag?" Napangisi muli ako habang sandki tumingin sa kabigang direksyon bago itinuon ang tingin sakanya. "At bakit ko naman gagawin yun?"


Hello, SummerWhere stories live. Discover now