Chapter 29

21 3 0
                                    

Lumalaban ako, pero pakiramdam ko araw-araw akong pinapatay netong nararamdaman ko. Lalo akong naiinis sa sarili ko sa tuwing nakikita ko si Summer, lahat ng efforts nya. Matapos iyung nangyari nung araw na iyun, hindi ko naramdamang nag-iba si Summer. Katunayan lalo syang naging active. Lagi syang nasa tabi ko, inalalayan ako, na para bang walang nangyari.

At dahil dun eh unti-unti narin akong naliliwanagan. At na-realize na talaga ngang mali ang mg nasabi at ginawa ko.

Unti-unti kong iminulat ang mata ko ng magising ako. Sandali kong tiningnan ang orasan. Alas-singko na ng madaling araw. Pero bigla akong nahinto ng makita ko ang lalakeng nasa tabi ko at kasalukuyang nakadukdok ang ulo sa bedsheet at hawak ng kamay ko.

Kaya naman hindi ko maiwasang hindi mapangiti, at mainis dahil sa naalala ko iyung mga nasabi at nagawa ko sakanya. Sobra akong nagsisisi.

Ilang sandali pa eh napansin ko ang paggalaw neto na mukhang nagising na. Ng mag-angat eto ng tingin eh bigla etong na-alarma matapos akong makita.

"D-Debbie? Teka, o-okay ka lang? Anong kailangan mo? May masakit ba sayo? Nagugutom ka---"

"Hindi, okay lang ako." Pagputol ko sa dapat na sasabihin nya habang napapailing kaya naman nahinto eto tsaka kumalma. Ilang minutong katahimikan.

"S-sorry." Panimula ko tsaka napayuko. "Sorry sa mg nasabi at nagawa ko sayo nung nakaraan. Hindi ko sinasadyang sabihin at saktan ka. I'm sorry." Sabi ko habang hindi nagawang tumingin sakanya dahil sa hiya na nararamdaman ko.

Pero nahinto ako ng maramdaman kong hawakan nya ang baba ko para iharap sakanya dahilan para makita ko ang mukha nya, ang ngiti nya.

"Naiintindihan kita." Sambit nya tsaka lumapit at naupo sa katabi ko. "Alam ko kung bakit kinailangan mong gawin yun. Naiintindihan kita. Pero kung ano pa man iyung nangyaring yun... wala na akong pakealam pa. Basta't huwag mo nalang gagawin ulit sakin yun. Nasasaktan ako eh."

"I'm sorry, pangako hindi na ulit kita sasaktan." Patuloy na sabi ko kaya nag-pilit eto ng ngiti.

"Diba, sabi ko naman sayo... hinding-hindi kita iiwan. Andito lang ako." Sambit nya tsaka hinawakan ang kamay ko tsaka iyun hinalikan.

"Alam ko yun." Sabi ko tsaka ngumiti ng pilit. "Pero naisip ko kasi, masyado ka ng maraming nagawa para sakin. Na pati kalusugan mo napapabayaan mo na, pano kung ikaw naman ang magkasakit. Ayokong mangyari yun." Patuloy kong sabi tsaka napa-payuko.

"Kaya ngayon, gusto kong gawin mo na iyung gusto mo." Nagtaas ang kilay nya dahil sa sinabi ko. "Iyung pagsasayaw mo, diba malapit na contest nyo? Alam kong pangarap mo iyun at gusto kong makita kang sumayaw. Gusto kong tuparin mo yung pangarap mo. Lalo na iyung pag-aaral mo. Malapit na ang pasukan."

"Pero---"

"Sam... please." Agad na agap ko. "Gawin mo to para narin sakin. Please." Pagmamakaawa ko dito dahilan para matigilan eto at mapaisip.

"Pag-ginawa ko ba yun... sasaya ka? At maipapangako mo saking mapapagaling ka?" Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay nya tsaka tumango.

"Magiging masaya ako. At Oo, pangako ko magpapagaling ako. Lalaban ako." Agad naman nya akong niyakap tsaka hinalikan ang noo ko.

Ang gaan lang sa pakiramdam na ngayon nga eh okay na ulit kami. Nagsisisi na ako sa mga nagawa at nasabi ko sakanya, at kailanman eh hinding-hindi ko na iyun uulitin.

.

"Tara na?" Nag-angat ako ng tingin habang inaayos ang damit ko.

Ngayon eh kasalukuyan kaming nag-aayos. Bukas na ang magihing flight ni Summer pabalik ng Pilipinas dahil sa napag-usapan namin nung nakaraan. At ngayon eh pinayagan kaming makapag-pasyal sa ilan sa pwedeng puntahan dito sa Paris. Buti nalang at pinayagan kami basta 'daw hindi ako magpapagod masyado at umuwi ng mas maaga. Kaya pumayag narin kami.

Hello, SummerWhere stories live. Discover now