Chapter 3

32 5 0
                                    

"Isa ngang frappe, chocolate mousse, large size." Sabi ko kay Gelo na taas kilay na nakatingin sa akin. Andito na ako ngayon sa cafe kung saan ruma-raket etong si Gelo.



Nawalan ako ng ganang magluto sa bahay kaya naisipan kong magpunta dito. Isa pa, wala naman akong makakasama sa bahay, lalo lang akong mag e-emote dun. Tsaka tutal, alas-kwatro palang naman ng hapon kaya okay lang.


"Um-order ka ba talaga o sadyang inuutusan mo ako?" Ani Gelo kaya agad akong napairap.



"Obvious ba, syempre umo-order. What would you expect? Nasa cafe ako diba." Pagtataray kong sabi dahilan para lalong mamilog ang mata nya.



"Huy! Attitude ka ghorl. Kaibigan mo parin etong kausap mo." Giit nya kaya naman tuluyan na akong napa-emote. "Oh! At bakit ganyan na itsura mo?" Tanong nya dahilan para maalala ko iyung nangyari kani-kanina lang.


"Eh kas baks, si Ruel.." Panimula ko habang nagsimulang mag emote. "Niligawan nya na nga talaga si Cheska. At ang masaklap dun eh mukhang sasagutin na sya ni Cheska ngayong araw na eto. Baks, hindi ko ka---"


"Uy miss, baka naman pwede ka na munang tumabi. Ang haba na ng pila oh." Nabaling naman ang tingin ko sa babaeng pumutol sa dapat na sasabihin ko.


Sandali naman akong napangisi tsaka umayos ng upo habang inilagay ang isang kamay sa may bewang at taas kilay etong tingnan.
"Excuse me. Pero pwede mo nama---"


"Ahm. Sorry ma'am. Pagpasensyahan nyo na ho sya." Rinig kong pagpigil sa akin ni Gelo habang hinawkan ako sa balikat at pilit hinahatak paalis sa lugar na iyun. "Bakla, tumahimik ka na. Huwag kang mag iskandalo dito. Nakakahiya." Pag banta nya sa ain habang pinan-dilatan ako ng mata.



Pero tiningnan ko lang iyung babae sa pila na ang sama ng tingin sa akin.
"Maupo ka na lang dyan. Ako na bahala sa order mo." Ani Gelo kaya wala na akong nagawa kundi ang magpakawala ng malalim na pahinga tsaka naupo.


Napailing nalang ako habang kina-kalma ang sarili. Kita ng nag e-emote yu g tao sisingit naman yung babaeng yun na mukhang singit. Pucha! Ano ba etong nangyayari sa akin? Napaka bad ko na. Nasisiraan na talaga ata ako ng bait.


Mayamaya dumating na ulit si Gelo habang dala ang in-order ko.
"So bakit ka nagkakaganyan ha?"  Bungad na tanong sa akin ni Gelo tsaka sandaling na-upo sa katapat kong upuan.


Sandali akong napasinghap bago nagsimulang magsalita.
"Eh kasi, nililigawan na nga ni Ruel si Cheska." Panimula ko.


"Ha? Eh p-pano?" Tanong nya ulit kaya ikwinento ko iyung nangyari at senaryo namin ni Ruel kanina ng magkita kami. "Edi na puruhan ka na nga. Shine, hindi kami nagkulang sa paalala sayo. Oh ngayon na confirm na, ano ng balak mo?" Natigil naman ako.


"W-wala." Tanging nasabi ko. Eh sa wala akong maisip na gawin. Alangan namang ahas-in ko si Ruel kay Cheska. Yucks. Hindi naman ko ganun.



"Bahala ka na nga dyan." Huling sabi nya tsaka ulit nagtungo sa counter.



Nagsimula nalang akong uminom ng frappe na in-order ko habang pilit pinapakalma ang sarili. Ano naman ngayong kung magkakatuluyan sila, para namang hindi sila mag b-break. Tsk.

Ilang sandali pa eh natigilan ako sa pag iisip ng kung ano-ano ng mabaling ang tingin ko sa grupo ng mga kalalakihan na papasok dito sa cafe.



Pero isa sa naka agaw ng atensyon ko eh iyung lalakeng huling pumasok. Iyung lalakeng presko sa may studio. Pero ikinakunot ng noo ko ng makitang kasama pa nila si Yesha. Talaga ngang magkakilala sila.



Hello, SummerWhere stories live. Discover now