Chapter 18

21 2 0
                                        

"Thank you ulit." Sabi ni Summer matapos akong pagbuksan ng pinto ng kanyang kotse.


"Wala 'yun." Sabi ko tsaka ngumiti habang sinilip si Rain na tulog na sa loob na halatang dahil sa pagod. 


7:00 na ng gabi pero kakauwi ko palang. Matapos kasi iyung laro nina Rain kanina eh kumain pa kami sa isang restaurant para 'daw mag celebrate. At dahil wala naman akong gagawin eh pumayag nalang ako. Tsaka pinilit din ako ni Rain kaya hindi na ako nakatanggi.


"Hmm. Pasabi nalang kay Rain na congrats ulit sa pagkapanalo nila." Sabi ko tsaka ngumiti.


"Sabi ni Rain thank you daw." Aniya kaya bahagya akong natawa. "Pero seryoso, thank you. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya lalo na si Rain." Teka, napasaya ko sya?



"Kung hindi dahil sayo hindi sya mabibigyan ng dahilan para tumuloy dun sa laro kanina." Pagkwento nya. "Alam mo bang hindi palangiti ang isang yun? Masyadong mailap kung mapangiti si Rain. Pero dahil sayo, nakita ko ulit iyun. Napasaya mo kami pareho."


Gusto kong maluha dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam na sa simpleng bagay na na ginawa eh meron akong napasaya na hindi ko alam at wala kong ka ide-ideya na napasaya ko sila.



"W-wala yun." Iyun nalang ulit ang nasabi ko tsaka ngumiti. Pero natigilan ako ng bigla nya akong yakapin. Halos naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko dahil sa ginawa nya.



Siguro kung tatanungin ko sya kung bakit nya ginawa iyun eh sasabihin nya dahil masaya lang eto. Kaya naman lalong lumapad ang ngiti sa labi ko sa mga oras na iyun. Hanggang sa 'di ko namalayang nakakalas na eto mula sa pagkakayakap sakin.



"Bye, Debbie." Pagpapalam neto bago pumasok sa loob ng kotse. Lalo na ngang dumoble ang pintig ng dibdib ko matapos marinig ang mga salitang iyun  mula sakanya.



Tama ba iyung narinig ko? Tinawag nya ba talaga ko sa pangalan ko? Iyun ang unang beses na tinawag nya ako sa pangalan ko at hindi ko alam at bigla nalang may kung anong nagta-talon sa kaloob-looban ko. Pucha. Ano ba etong nangyayari sakin. Kumaway kaagad ako ng matauhan mula sa pagkaka-tulala kahit na alam kong hindi nya na iyun makikita, hanggang sa makaalis na eto sila ng tuluyan.




Ng makapasok ako sa bahay hindi ko nakita sina Yesha at Gelo kaya nagtungo nalang ako sa kwarto. Tulog na ata sila. Buti naman kung ganun nga. Ng mailapag ko ang sling bag ko eh agad akong napahiga sa kama habang patuloy na iniisip iyung mga nangyari kanina. Lalo na iyung pagyakap sakin ni Summer, maging iyung pagtawag nya sa akin sa pangalan ko.



Tang'na. Kung tutuusin, napakasimple lang naman ng mga 'yun. Pero kasi, iba iyung pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Sa halos ilang linggo naming pagkakakilala ngayon nya nga lang talaga ako tinawag sa pangalan ko. Ewan, siguro kasi nasanay lang ako na 'hey' lagi tawag nya sakin. Tsk.



Hangang sa hindi ko namalayang nakangiti na naman ako. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang nasa isip ko sa mga oras na eto, at iyun eh dahil sa masaya ako. Sobrang saya.



.



"Good morning." Agad na bati ko kina Yesha at Gelo ng makita kong ngayon eh pababa na ng hagdan at halatang kagigising lang.



Maaga akong nagising ngayong umaga kaya naisipan kong ako na ang magluto para sa breakfast. Hindi ko maintindihan at para bang sobrang energetic ko ata ngayong araw na eto matapos ang nangyari kahapon.



"Ang aga mo ata'ng nagising ngayon." Sabi ni Yesha na taas kilay na nakatingin sakin habang nagti-timpla ng kape.



"Hmm. Let me guess, inspired sya." Sabi naman ni Gelo sabay tingin kay Yesha. Pero nagsalubong naman ang kilay ko matapos makita ang kakaibang tinginan nila sa isa't-isa.


Hello, SummerWhere stories live. Discover now