Chapter 28

16 3 0
                                    

Mas naging abala si Summer netong mga dumating na araw. Hindi na dahil sa pagsasayaw, kundi dahil sa pag-a-asikaso ng lahat ng papeles na gagamitin.


Sya etong gumagawa at nag-aayos ng lahat ng kakailanganin para makalipad kagad kami papuntang Paris sa lalong madaling panahon. Habang sina Yesha at Gelo ang syang nagbabantay sa akin. Kaya naman lalong dumoble ang hiya na nararamdaman ko sakanila dahil dito, kahit na ilang beses nilang sabihing okay lang sakanila, hindi iyun okay sakin.



Na miski trabaho at practice nila eh naabala ko. Lalo na si Summer, naawa ako na naiinis sakanya dahil sa pagiging likas na matigas ang ulo nya. Na halos hindi na sya kumakain para lang gawan ng paraan ang lahat. Pinagsasabay-sabay nya lahat ng paraan na alam nyang makakatulong. Pero ng malaman iyun nina Mama eh agad naman etong tumulong dito. Meron na daw silang kinontak na kaibigan nila dito para matulungan kami. 




Pati pamilya ni Summer, lalo na ang daddy nya eh nilapitan nya para lang matulungan ako. Na halos magmakaawa eto para lang matulungan kami. Hindi nga eto pumapayag sa gusto neto na samahan ako sa Paris, pero dahil sakin eh sinuway nya iyun. Kung hindi nga lang sinabi sakin nina Gelo eh hindi ko malalaman kung gaano sya nagsasakripisyo para lang sakin.



At eto ako, walang ibang magawa kundi ang umiyak maghapon. Na oras-oras hindi nawawala sa isipan ko kung ano nga bang maitutulong ko ng hindi na sila mahirapan, na hindi na mahirapan si Summer.



Nagising ako ng maramdaman ko ang marahang pag-haplos sa kamay ko. Sandali akong umayos ng upo bago napatingin kay Summer na masa tabi ko at hawak ngayon ang kamay ko.



"Malapit na tayo." Masayang banggit nya kaya ngumiti ako dito tsaka napasandal sa balikat nya habang himihintay ang pag-landing ng eroplano.



Excited, iyun ang nararamdaman ko ngayon na merong halong kaba. Excited kasi finally makakarating narin ako sa isa sa dream destination ko mula pagkabata. Na ngayon eh magkakatotoo narin iyung mga pinapangarap ko, na hindi ko nalang basta makikita sa screen o pictures na ipinapadala sakin nina Mama.




Kaba, kasi ala kong hindi iyun ang syang pinaka-pakay namin dito. Kundi ang pag pa-pagamot ko. Pero kung ano't-ano pa man, masaya ako dahil sa  wakas eh makakasama ko na ulit ang pamilya ko, at maipakilala ko narin sakanila si Summer.



Ina-la-layang nya akong makababa ng mag-landing na nga ang eroplanong sinasakyan namin. Hindi narin kami nahirapan dahil meroong service na ipinadala sina Mama para sunduin kami.




Nakangiti lang ako buong oras sa byahe habang nag s-sight-seeing. Hindi ko lang kasi maiwasang hindi mapangiti at kiligin habang pinagmamasdan ang paligid na sa picture ko lang dati nakikita. Gusto ko narin makita iyung Eiffel tower, pero hindi muna sa ngayon.




"Youre excited?" Tanong ni Summer sakin kaya ngumiti ako bago napatango.




Makalipas ang halos isang oras na byahe eh nahinto narin ang sinasakyan namin. Ng makalabas kami eh nag-gagandahang bahay ang bumungad samin. Nasa iisang village lang kami habang halos magka-kadikit ang bahay kagaya ng mga nakikita ko sa picture.




Mayamaya napatingin ako kay Summer ng hawakan nya ang kamay ko. Kaya naman ngumiti lang ako dito bago ako ina-la-layang maglakad bago nagtungo sa bahay na nasa harap namin ngayon. Walang pang ilang katok eh bumukas narin ang pinto ng bahay. At halos magtatalon ang puso ko sa tuwa matapos makita sina Mama, Para at Kuya na syang bumungad samin.




"Shine anak." Bati sakin ni Mama tsaka ako niyakap ng napakahigpit. Ramdam ko na maluluha na naman ako dahil sa ung anong nangyayari ngayon. Na-miss ko sila ng sobra.




Hello, SummerWhere stories live. Discover now