Good morning.
Unang bumungad sa akin ang mensaheng iyun mula kay Summer ng kunin ko mula sa study table ang phone ko. Pero pinagmasdan ko lang eto tsaka hinilig ko ang katawan sa kama. Mayamaya nag-ring ang phone ko kaya naman sinagot ko iyun tsaka inilapit sa tenga para marinig ang sasabihin nya.
"Good morning." Ulit nyang sabi. Pero hindi ko maintindihan kung bakit napangiti ako matapos marinig ang boses nya. Na ma-maos-maos ang kanyang, at sobrang nakaka-lalake ang boses.
"Andyan ka ba?" Natauhan ako ng marinig ulit iyun mula sakanya kaya naman napa-tikhim ako bago nagsalita.
"Yup."
"Hmm. Let me guess, your still laying in your bed. Do you?" Napangiti naman ulit ako dun.
"Yup." Sagot ko ulit. "Medyo masakit lang katawan ko dahil sa pagsasayaw kahapon."
"Ha? Eh teka, okay ka lang ba? Do you need something? Do you want me to get there---"
"Calm down." Pagputol ko sa napakahaba nyang tanong. "I'm okay, I can handle this. Just a help of salonpas will do." Sabi ko tsaka bahagyang natawa.
"Are you sure?"
"Yeah." Akmang may sasabihin p sana ako kai narinig ko na ang pagkatok ni Gelo sa pinto ng kwarto ko kaya nagpaalam na ako. "Okay, bye." Tanging nasabi ko tsaka tuluyang in-end ang call.
Tumayo narin agad ako mula sa pagkakahiga tsaka nag stretching ng konti. Inayos ko narin ang higaan magibg ang sarili ko bago bumaba para magtungo sa dining.
"Anong ibig sabihin ng ngiting yan?" Bungad sa akin ni Yesha habang abala sa pagsuot ng sapatos nya. Pero napailing ako. "Baliw ka na nga talaga." Aniya pero naupo nalang ako sa silya para magsimulang mag-almusal.
Mayamaya nagpaalam narin sila pareho sakin para magtungo sa kani-kanilang pinagkakaabalahan. Kaya naiwan na naman akong mag-isa sa bahay.
Kinuha ko nalang ang phone ko tsaka naisapa'ng i-open ang IG ko. Matagal-tagal narin kasi akong hindi nakakapag post o di kaya IG story. Kaya naman pinicturan ko ang toasted bread at gatas tsaka ko iyun pinost sa IG story.
Ini-scroll ko lang ang mga post na nakikita ko, pero sandali akong natigil ng makita ko ang isang post ni Ruel. Picture nya kasama si Cheska. Kaya naman bigla kong naramdaman ang panghihina ng kung ano sa katawan ko.
Hindi ko rin alam kung bakit sobrang sakit na nga at lahat pero nakuha ko pang i-stalk si Ruel. At halos karamihan eh picture nilang nagkasama netong mga nakaraang araw. At kahit na labag sa kalooban eh ni-like ko nalang din iyun.
Ilang sandali pa biglang nag comment si Ruel sa IG story ko kaya kahit papano eh napangiti ako. Sunod eh mi-nessage nya ako.
ruruel: Morning.
Pinagmasdan ko lang ang mensaheng iyun mula sakanya.
ruruel: Labas tayo. Treat ko.
sdebbie: Saan?
ruruel: Basta. Ano game ka?
ruruel: Sige na ngayon lang.
Sunod na reply nya ng hindi ko nireplyan iyung nauna nyang tanong.
Kainis din tong isang to. May girlfriend na nga tapos nakuha pang gumala kasama ako. Pero baka naman kasi, ngayon nya lang na-realize na na hindi naman talaga si Cheska ang gusto nya. At talagang ako ang mahal nya.
sdebbie: Game.
Mayamaya mi-nessage nya na sa akin kung san ang meet-up. Kaya naman agad akong naligo at nagbihis. Nag-ayos din ako ng sobra. Ayoko namang magmukhang manang sa harap nya noh.
YOU ARE READING
Hello, Summer
Teen FictionIts summer already. But, why did it end up so fast? Hello, Summer 060820-080620 (Ps. The photo used in the cover isnt mine. Credits to the rightful owner)