Chapter 13

20 2 0
                                    

Bumalik na nga ulit kami sa dati nina Yesha at Gelo. Katunayan lalo pang tumatag ang pagkakaibigan namin. Nangako kami sa isa't-isa na kung may problema man ang isa samin. Dadaanin namin sa mabuting pag-uusap. Na hindi aabot sa pagsisimula ng alitan.



Lumipas nga ang araw at naging madalas narin nga ang pag-tambay ko sa cafe na pinapasukan ni Gelo at lalo na sa studio nina Yesha dahil sa wala naman nga akong ganap ngayong Summer. Katunayan marami na akong kilala sa mga kasamahan nila.


Nagiging close ko narin ang ilan sakanila kahit papano at nakikilala paunti-unti. Nakakasama pa nga ako sa lakad nila paminsan-minsan, pero syempre hindi ko rin maiwasang hindi mahiya minsan lalo na sa tuwing hindi ko kasama si Gelo. Na o-OP kasi ako kapag tungkol sa pagsasayaw ang pinag-uusapan nila.



And speaking of Summer nagpatuloy nga iyung pagturo nya sakin ng sayaw. Mga isa o dalawang beses sa isang linggo kami nagkikita dun sa garage para mag sayaw.


Pinagsasabay nya iyung practice nila para sa susunod na contest na sasalihan nila at iyung pagtuturo nya sakin. Medyo nahihiya na nga ako sakanya dahil pakiramdam ko inaagaw ko pa iyung araw na dapat nagpapahinga lang sya. Pero sabi naman nya okay lang naman daw sakanya.


Halos isang mag d-dalawang linggo narin ata kaming nagkikita dun sa garage para turuan ako ng sayaw. Kung tutuusin walang-wala iyung ginagawa ko kumapara sa galing nilang lahat sa pagsasayaw.

Pero sa pagkakataong eto eh masasabi kong kahit papano eh unti-unti na akong natututo. Kahit na mahirap, napapawi iyun sa tuwing naiisip ko kung pano ko paunti-unting nagagawa iyung bagay na akala ko hindi ko magagawa.


Tsk. Talaga nga namang kakaiba ang lalakeng yun. Sabi ko nga sakanya, babayaran ko nalang sya para makabawi sa pagtulong nya sakin pero tumanggi din sya. Hindi ko lang alam kung sadyang bukal lang talaga sa loob nya ang pagtulong sakin o di kaya naman hindi nya na kailangan ng pera dahil marami na sya nun. Tsk. Bahala nga sya. Hilig nya lang ata talaga ang pagurin ang sarili nya.

"1.. 2.. 3.. tang'na mo Carlo! Ang tanga mo!"

"Tang'na mo din!"

Kumunot naman ang noo ko ng marinig ang sigawan na iyun mula kay Althea at Carlo habang nagsasayaw. 

"Sa tingin mo, talaga bang nagsasayaw lang sila sa lagay na yan?" Nabaling naman ang tingin ko kay Gelo habang nakatingin kina Yesha na nag e-ensayo.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.

"Kung ako dun kay Carlo. Talagang magkakaron ng hidwaan dito. Apaka lutong ng bibig ni Althea." Aniya kaya naman natawa nalang ako habang napapailing.

Habang nagsasayaw sila eh nabaling naman ang tingin ko kay Axle na syang nasa gitna na gumawa ng stunt. At halos mapanganga ako dahil sa napaka swabe ng galaw nya. Effortless.

Mayamaya pa eh sandali silang nag water break. Kaya naman nagtungo si Yesha samin tsaka nag-punas nung pawis. Pero nahinto ako ng makita ko si Axle na patungo sa direksyon kung nasan kami.

"Sup." Aniya kaya ngumiti ako. Naupo eto sa tabi ko habang pinupunasan ang sarili nyang pawis. Shocks! Napaka hot nya.

"Ahm. A-ang galing mo kanina." Sabi ko kaya naman tumingin eto sakin bago ngumiti.

"Thanks." Sabi nya laya napatango nalang ako. "Ahm. By the way, about dun sa pagturo ko sayo ng sa sayaw. Kailan mo ba gusto?" Natigilan ako ng marinig iyun mula sakanya. Oo nga pala, sya iyung unang nag-aya sakin para turuan akong magsayaw.

Sandali naman akong napalunok ng ilang beses habang iniisip kubg pano ko sasabihin ang tungkol sa pagturo sakin ni Summer.

"Hmm. Actually---"

Hello, SummerWhere stories live. Discover now