(Play "KLWKN" by Music Hero while reading)
"You're ready?" Nag-angat ako ng tingin kay Mama na nasa tabi ko kaya naman eh ngiting-ngiti akong tumango.Kahit naman hindi ako tanungin alam kong bakas na bakas ang excitement sa mukha ko. Dahil ngayon nga ang uwi namin ng Pilipinas. At ang nakakatuwa pa eh dahil sa kompleto kaming uuwi. At ilang sandali nalang eh lalapag narin ang eroplano. Makikita ko na ulit sina Gelo, Yesha, at Summer.
Nasagawa ang operasyon at naging succesful iyun na hindi ko inasahan. Talagang dasal at tiwala lang ang kailangan. Pero syempre hindi din iyun naging madali. Ilang araw na umabot ng ilang linggo ang pananatili ko sa ospital para makabawi ng lakas bago umuwi sa bahay para magpapagaling ulit. Hanggang sa makabawi narin ako ng sapat na lakas at eto nga kami't makakauwi na sa wakas. Iyun nga lang meron pa akong kailangang sundin na utos nung doctor at kailangang matutukan ng doctor dito sa Pilipinas.
Ng makalapag ang eroplano eh halos gusto kong magtatalon sa tuwa dahil andito na ulit ako sa bansang kinalakihan ko. Gusto ko nga sanang puntahan kagad si Summer sa condo nya pero gusto ko nga pala etong i-surprise, kaya titiisin ko muna. Umuwi muna kami sa apartment na tinutuluyan namin.
Gabi na kaya saradong-sarado na ang bahay. Makalipas ang ilang katok eh bumungad samin si Yesha na halatang bagong gising. "Hi." Bati ko dahilan para tumingin eto ng diretso samin.
At halos mamilog ang mata neto ng makita ako. Malamang eh dahil sa pagkagulat. "D-Debb..ie?" Aniya kaya napangiti ako. Magsasalita sana ako pero hindi ko na nagawa ng bigla nya akong yakapin. Agad din syang nagsisigaw para tawagin si Gelo. At maging si Gelo eh nagulat din kaya agad akong niyakap.
Nag-u-umapaw ang saya ko sa kung anong nangyayari ngayong magkakasama na ulit kami. Marami kaming gustong pag-kwentuhan pero ipinagpa-bukas na namin dahil gabi na at alam nilang pagod kami galing sa byahe.
At gaya nga ng inasahan ko eh marami kaming napag-usapan ng mag-umaga. Marami akong ikwenento sa nangyari samin dun sa Paris, mula sa paghihirap at syempre dun sa saya lalo na nung kasama ko si Summer. Ipinakita ko pa sakanila iyung mga nakunan kong picture nung nasa Paris kami. Maging iyung nagawa ko sakanya eh naikwento ko sakanila.
Maging sila eh marami ding ikwenento sakin, tungkol dun sa pagsasayaw ni Yesha at pagkapanalo nila sa Korea. Pati si Gelo na nalaman kong sila na nga nung si Raven. Gusto kong mainis sakanya pero hindi ko ginawa dahil mukha namang masaya sya at mahal nya talaga iyung lalakeng yun. Kaya hinayaan ko nalang.
Pati sina Mama, Papa, at Kuya na nakipag-kwentuhan din samin. Marami silang sinabi at itinanong kina Yesha at Gelo tungkol samin ni Summer. Kung paano at saan daw kami nagkakilala. Kaya syempre eh ikwenento nila iyun. Napaka weird man pero nakaka-kilig lang na naririnig ko mula sakanila kung pano nagsimula ang lahat, iyung mga panahong hindi pa kami magkakilala.
At ngayon eh kasalukuyan kong inayos ang damit ko bago nag doorbell sa unit ni Summer dahil nga sa ngayon namin sya balak i-surprise. Magmula ng huling araw namin sa Paris eh panay eto tawag at texts sa akin pero hindi ko iyun sinasagot dahil nga sa gusto ko syang i-surprise.
Iniisip ko na baka magtampo na eto dahil sa ginagawa ko pero maging sina Yesha at Gelo eh kinuntsaba ko na. Sila na daw bahala kay Summer ng hindi eto masyadong mag-alala.
Makalipas ang ilang beses na pag doorbell eh naramdaman ko ang pagbukas ng pinto. Sandali naman akong tumingin kina Mama, Papa at Kuya na nasa tabi ko na ngumiti lang sakin pabalik.
YOU ARE READING
Hello, Summer
Teen FictionIts summer already. But, why did it end up so fast? Hello, Summer 060820-080620 (Ps. The photo used in the cover isnt mine. Credits to the rightful owner)