Chapter 17

21 2 0
                                    

"Shit!" Biglang sabi ni Summer ng tumalsik ang mantika sa kanya. Pero hindi ko alam at bigla akong napangiti matapos makita ang ekspresyon nya.

Hindi ko maitanggi, ang cute nyang pagmasdan ngayon habang abala sa pagluluto. Wala kasi sa itsura nya na nahilig sya sa pagluluto. Todo pa eto tingin sa cellphone nya na para bang merong sinusunod na directions para sa niluluto nya. Mukha nga talagang pursigido syang matuto ng pagluluto gaya ko sa pagsasayaw.

"Ouch!" Biglang sabi ulit neto tsaka hini-hipan ang kanyang daliri na mukhang napaso kaya agad na akong tumayo para puntahan sya.

"Okay ka lang?" Alalang tanong ko pero tumango lang eto tsaka ngumiti kahit na mukhang nasugatan talaga sya.

"I'm okay, upo ka nalang. Matatapos ko rin 'to." Aniya sabay ngiti.

"S-sigurado ka?"


"Yup. Sige na." Kaya naupo nalang ulit ako habang alala paring nakatingin sakanya. Sana nga lang talaga matapos nya.

"You like my brother?" Bigla naman akong natigilan matapos marinig iyun mula kay Rain na nasa tabi ko at nag-sasalin ng tubig sa kanyang baso.

Sa sobrang pagkagulat eh napahawak ako sa dibdib ko. Kakagulat naman kasi ang isang 'to, bigla-bigla nalang sumusulpot. Pero agad naman akong napaisip dahil sa kung nong sinabi nya.

"A-anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko dito pero bigla etong napangisi.

"I'm not that numb. You like Sam, right?"

"No." Agad na agap ko pero napapailing eto na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"Yes." Sandali akong tumingin kay Summer na abala parin sa pagluluto tsaka ulit ako tumingin dito kay Rain.

"And why do you say so?" Pabulong kung tanong. Ayokong marinig pa ni Summer ang pinag-uusapan namin. Masyadong nakakahiya ang topic na eto. Mamaya ano pang isipin nya.

"Because I know." Aniya. "I can see it in your eyes, the way you smile everytime youre chatting with him." Agad naman akong napalunok dahil sa sinabi nya. Bata ba talga etong kausap ko ngayon?

"Anong pinaguusapan nyo?" Pareho kaming natigilan ng marinig iyun mula kay Summer na nakatingin sa amin, kaya bigla akong napailing.

"Ah w-wala, diba?" Sabi ko tsaka tumingin kay Rain pero nagkibit balikat lang eto tsaka ulit nagtungo sa may sofa. Ano ba naman talagang bata iyun. Sarap namang batukan.

Umabot din ata ng mag d-dalawang oras ang naging pagluluto nya, ramdam ko ang gutom pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Hanggang sa wakas eh natapos narin nga etong magluto. Ako na ang nag prepare para hindi masyadong abala.

Ng makaupo na si Rain eh umupo narin ako habang inaayos pa ni Summer ang plating nya.

"Here you go." Pareho kaming napatingin sa inilapag nya. Isang bowl ng kanin at adobo. "And here it is. Caprese Chicken." Sabi neto habang inilapag iyung sinasabi nyang Italian cuisine. Mukha etong masarap pero hindi ako nakakasiguro. Adobo pa nga lang kulang-kulang na ang timpla, eto pa kaya. Tsk.

"Am I supposed to eat this? I can order a pizza." Nabaling ang tingin ko kay Rain na hawak ang kanyang phone pero agad iyung kinuha ni Summer.

"You dont need to." Sambit ni Summer tsaka ngumiti at nagsimulang maupo sa katapat kong upuan.

"Uh-ah. I can't, okay. You're not a good cook. I hate everytime you do the cooking. Always taste like blatt. I mean, you dont even know when to put garlics on." Sabi ni Rain tsaka tiningnan ang mga niluto ni Summer.

Hello, SummerWhere stories live. Discover now