Walang pagbabago netong dumating na araw. Inaasahan ko isang araw pag gising ko eh hindi ko na makikita si Summer sa tapat ng apartment namin, pero hindi din. Minsan ko narin nga syang nakitang natutulog sa loob ng kotse nya dahil sa wala etong balak umalis.
Dahil dun, naiisip ko rin kung ano nga bang nararamdaman nya. At aminado ako, nakaramdam ako ng awa hindi lang para sa sarili ko. Lalo na sakanya, dahil sa ginagawa nya. Pero kung meron mang pagbabago eh iyun ang nararamdaman ko, natatauhan narin ako at namu-mulat sa kung anong nangyayari.
Sandali akong napabuntong hininga bago pinihit ang doorknob para buksan ang pinto. At bigla naman akong nahinto ng makita ko mula dito si Summer na nakatayo parin ngayon habang nakatingin sa may bintana ng kwarto ko. Alas-dyes na ng gabi pero andito parin sya. Mayamaya nakita ko ang pagkamot neto sa ulo nya habang napahilamos sa sariling palad bago nagtungo sa kotse nya. Akmang papasok na sana eto ng mabaling ang tingin nya sa direksyon ko.
Bakas sa mukha neto ang pagkagulat ng makita ako. Kaya humugot ako ng sapat na lakas bago nasimulang lumakad patungo sa kung nasan sya. Gulat atin eto sa pagkakita sakin kaya inabot ko nalang ang jacket na dala ko dahil baka nilalamig na sya, pero hindi nya iyun tinanggap tsaka ako biglang niyakap ng napakahigpit.
"I'm sorry, p-please patawarin mo'ko, Deb. Sorry... Hindi ko sinasadya." Kasabay ng mga salitang yun ang pag-tangis nya kaya maging ako eh ramdam na ang pamumuo ng luha mula sa mata.
Sandali etong kumalas sa pagkakayakap bago iniharap ang mukha nya sa akin. Pansin ko rin na medyo namamayat eto at namumutla, siguro dahil sa pagpapalipas ng gutom at pagpupuyat.
Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko habang diretsong nakatingin sa mata ko at patuloy sa pagluha. Kaya maging ako eh naluha na rin ng tuluyan matapos kong makita ang ata nya ngayon. At Oo, na-miss ko sya. Sobra.
"I'm sorry..." Muling sabi neto tsaka ako hinalikan sa noo. "Sorry sa lahat ng nagawa ko, sorry kung nasaktan kita. Hindi ko sinasadya, mahal kita Debbie. Please patawarin mo ko." Napapailing ako habang sinasabi nya ang mga salitang iyun.
"I'm sorry." Sa pagkakataong iyun eh ako naman ang humingi ng tawad. Alam kong may nagawa syang hindi maganda sakin at meron din ako, at pinagsisihan ko na iyun ngayon.
Naipikit ko ang mata ko habang patuloy sa pagluha hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang panghihina ng katawan ko. Napalunok ako habang muling yumakap sakanya kasabay ang tuluyang panghihina ng buong katawan ko.
Rinig ko pa ang pagtawag nya sakin maging ang blur vision ng mukha nya, pero tuluyan na nga akong mawalan ng malay.
.
Naimulat ko ang mata ko ng tumama ang nakakasilaw na ilaw mula sa itaas. Kaya unti-unti kong iginalaw ang braso ko pero halos nanghihina parin ang buong katawan ko.
"Debbie!" Rinig kong sabi ng kung sino. Mayamaya naramdaman kong may umalalay sakin hanggang sa tuluyan na akong makaupo.
Sandali kong ipinikit ang mata ko bago ulit iyun iminulat para tingnan ang paligid. Pero kumunot ang noo ko matapos makita ang paligid. Hanggang sa makita ko sina Gelo at Yesha na nakatayo sa may gilid. Teka, asan ako?
"Okay ka lang?" Nabaling ang tingin ko sa lalakeng ngayon eh nasa gilid ko habang alalang nakatingin sakin.
"N-nasan ako?" Takang tanong ko ng hindi sinasagot ang tanong nya.
"Andito ka sa... ospital." Nagtaas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Gelo.
"T-teka, anong ginagawa ko dito?" Tanong ko ulit dito pero hindi ko alam kung bakit bigla silang nagkatinginang tatlo matapos akong itanong iyun.

YOU ARE READING
Hello, Summer
Ficção AdolescenteIts summer already. But, why did it end up so fast? Hello, Summer 060820-080620 (Ps. The photo used in the cover isnt mine. Credits to the rightful owner)