Chapter 9

23 3 0
                                    

"Tayo nalang dalawa
Tayo nalang magsama
Tayo nalang dalawa
Tayo naman talaga"


Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa speaker sa ibaba. At sigurado ako kung sino ang walangyang panira sa tulog ko.


"Tayo nalang dalawa
Tayo nalang mag sama
Tayo nalang dalawa
Tayo naman talaga"



Napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa nakakarinding boses na iyun na nanggagaling sa ibaba. Napaka-aga pa man din para mang bulabog ang mga yun.


Akmang patayo na sana ako pero natigil ako ng maramdaman ko ang pananakit ng katawan ko. Kaya naman sandali kong inalalayan ang sarili kong maupo. Agad kong tiningnan ang orasan. At mag aalas-otso palang ng umaga.

Kainis, hindi ko alam na sasakit etong katawn ko ng ganito matapos iyung pagiging dancer ko kahapon. Lol. Kung tutuusin nasa mahigit dalwampong minuto lang naman iyung pagturo sa akin ni Axle ng nga nasa anim o pitong step pero halos napakasakit ng buong pangangatawan ko.


Sandali ako natigilan ng biglang mag beep ang cellphone ko kaya napilitan akong kunin iyun mula sa bag ko.

From unregistered number

Good Morning

Bigla namang kumunot ang noo ko dahil sa message na iyun. At sino naman kaya eto? Sinubukan kung i-dial pero hindi sinasagot. Mag c-compose sana ako ng message pero wala akong gana. Ilang sandali lang eh bigla ulit may nag message.

From unregistered number

~Summer

Agad naman akong napaisip dun. Di kaya iyung walang'yang Summer ang unregestered number na eto? Pero paano nya naman nalaman number ko? Tsk. Mukhang alam ko na ata kung sino.

Walang kung ano-ano eh kaagad akong bumangon tsaka nagtungo sa baba kahit na sobrang nanakit pa ang katawan ko, eh pinilit ko ang sarili ko.


"Good morning, Deb." Bati sa akin ni Yesha ng makita ako na pababa ng hagdan. Halatang nagpipigil pa eto ng tawa dahil sa galaw ko pero sinamaan ko lang ang mga eto ng tingin.


"Debbie.." Pagpapa-cute na tawag sa akin ni Gelo pero hindi ko eto pinansin. Inis pa ako sakanya ng mga 20% dahil sa ginawa nya sa akin kahapon.


"Tara, sakto kakaluto ko la---"


"Bakit mo binigay mo number ko sa Summer na yun?" Pagputol ko sa dapat na sasabihin nya kaya naman bigla etong nag peace sign.


"Hiningi eh." Aniya kaya naman bigla kong inirapan. "Bakit? Okay nga yun eh. Malay mo magkatuluyan kayo." Namilog ang mata ko dahil sa sinabi nya.

"Pucha! Kilabutan ka nga dyan sa pinagsasabi mo." Singhal ko dahilan para magkatinginan silang dalawa.


"Teka, akala ko ba si Axle?" Giit naman ni Gelo. Aba talagang ginatungan pa.


"Pwede ba, tigil-tigilan nyo nga ako. Kung ano man yang pina-iisip nyo, please lang tigilan nyo na." Sabi ko tsaka naupo sa silya tsaka kumuha ng toasted bread at agad iyung kinain.


"Ano ka ba naman, Debbie. Ayaw mo nun may chance na gumanda love life mo."

"Oo nga, kaya patulan mo na si Summer." Sinamaan ko ulit ng tingin etong si Yesha dahil sa mga pinagsasabi nya.

"Hep-hep-hep I prefer Axle. Akin si Summer." Ani Gelo kaya naman na-tampal ko nalang ang noo ko dahil sa mga pinagsasabi nila.

Talaga nga namang ibang klase din ang mga 'to eh. Konting-konti nalang talaga mapipilitan na akong magpaka-layo-layo sakanila. Hays. Bakit ko nga ba naging kaibigan to? Tsk.


Hello, SummerWhere stories live. Discover now