Wala akong ibang ginawa buong maghapon. Alas-otso na ng umaga ako ngising kaya hindi ko na naman naabutan sina Gelo at Yesha. Nag-iwan lang sila ng note, tsaka meron narin silang niluto kaya kakain nalang ako.
Nalinis ko na ang buong apartment. Sinubukan ko ring manuod ng k-drama pero lalong sumakit ang mata ko kaya napagdesisyunan ko nalang na tumambay sa cafe kung nasan si Gelo.
Masyado akong ma b-bored kung mananatili ako sa bahay buong maghapon. Sana pala hindi nalang ng summer, di sana nasa school ako ngayon at kasama si Ruel. Tsk.
Um-order kaagad ako tsaka naupo sa isa sa upuan dun. Kaya nga lang hindi ko makita si Gelo dito. Asan na kaya ang isang yun?
Ilang sandali pa eh nabaling ang tingin ko sa entrance netong cafe at nakita ko na nga si Gelo na kakapasok lang ng pinto kasama iyung lalakeng dinala nya sa bahay. Raven ba pangalan nun.
In all fairness, bagay sila. Kahit na unang tingin mo kay Gelo eh lalakeng lalake kunh manamit, iyung tipong pang highschool hearthrob. Kaya nga lang hearthrob din gusto nya. Haha.
"Psst." Pagtawag ko kay Gelo pero para etong binging walang naririnig at patuloy sa pakikipagkuwentuhan dun kay Raven.
Ng akmang dadaanan nya ako eh kaagad kong hinila ang laylayan ng kanyang damit dahilan para napatingin eto sa akin. "Shine?" Takang sabi nya pero ngumiti lang ako. "Anong ginagawa mo dito?" Sunod na tanong nya kaya naman tinaasan ko sya ng kilay.
"Bakit bawal?" Tanong ko pabalik kaya naman napailing eto tsaka tumingin ulit kay Raven na nakatingin din sa akin.
"Hi.. Ikaw si Debbie tama?" Aniya kaya ngumiti lang ako ng pilit. Mukha naman syang mabait, pero mukha lang. Wala parin akong tiwala sa kanya. "Sige, maiwan ko muna kayo." Pagpapaalam neto sa amin tsaka nauna ng nagtungo sa may counter kaya naiwan kami ni Gelo.
Agad ko namang syang hinatak pa-upo tsaka pinan-dilatan.
"Talandi ka talagang bakla ka eh nuh. Akala ko ba trabaho pinunta mo dito. " Sabi ko pero napa cross arms lang sya."Trabaho naman talaga eh. Nag lunch lang kami." Pagdadahilan nya kaya naman tinaasan ko ng kilay.
"Mamatay? Alas-tres na uy." Sabi ko pero inirapan nya lang ako.
"Pwede ba, ngayon lang naman to eh. Pagbigyan mo na'ko." Aniya kaya naman natawa ako ng bahagya. Edi umamin din ang gaga. "Inggit ka lang kasi eh." Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sunod nyang sinabi tsaka nagpatuloy sa pagkain.
"Umalis ka na nga!" Sabi ko kaya naman tiningnan nya ako ng mapang-asar pero inirapan ko lang sya. Humanda ka! Pag nag break na sina Ruel, talagang aakitin ko na sya. Yucks.
Umabot din ako ng halos dalawang oras na pag-tambay sa cafe kaya obligado ako na bumili ng kahit ano para makapag stay kahit na hindi naman talaga ako nagugutom.
Naisipan ko narin sumabay na lang ako kay Gelo. Nung una ayaw nya pang pumayag dahil sabay daw sila ni Raven, kaya naman lalo akong nagpumilit. Hindi ko hahayaang mangyari yun nuh. Ano yun sila lng masaya? Tsk.
Di kalaunan, pumayag narin sya dahil bga hindi na sumabay samin si Raven. Pero dadaanan muna daw kami sa studio para ihatid iyung mga in-order ni Yesha. Hanep! May pa deliver deliver na silang nalalaman ngayon ah.
Ng makarating kami sa studio eh napilitan akong pumasok sa loob dahil bukod sa umaambon eh ako ang may dala ng ibang drinks. Talagang ginawa pa akong alalay.
YOU ARE READING
Hello, Summer
Teen FictionIts summer already. But, why did it end up so fast? Hello, Summer 060820-080620 (Ps. The photo used in the cover isnt mine. Credits to the rightful owner)